HARD TALK!
ni Pilar Mateo
THREE years sober! ‘Yan ang kuwento ni Baron Geisler sa hosts ng Over A Glass Or Two (OAGOT) sa New York, isang gabi.
Sa Cebu na namamalagi si Baron kapiling ang maybahay na si Jamie at kanilang mga anak mula sa mga dating relasyon at ang kanilang si Tally.
“Actually, ten years na. Kaya lang, ilang beses na nagkaroon ng lapses. Thanks to my wife, my psychologist during those dark days, the addiction, the mental crime is over.”
Aminado naman si Baron sa naging buhay niya sa rehab. That he hit rock bottom. At inakalang tuluyan ng malulunod.
“Marami akong na-realize. That we all have a choice. That it was my fault to choose that path of destruction. So, there was no one else to blame but me. And I realized, the people I hang out with were the biggest factors with those choices. I am not blaming anyone but myself. They know better.”
Ang laki nga ng pasasalamat ni Baron na nakita niya ang lovelife niya when he was in rehab. Isang taong hindi siya trinatong espesyal.
“She didn’t sugarcoat anything. Very blunt. Very open. And we knew each other’s secrets. Accepted each other’s past. Who I was. I didn’t have to hide anything.”
Aminado si Baron, apektado ang buhay nila sa pandemya. Pero sa ngayon, may mga pinag-aaralan silang mga negosyo na ginagabayan sila ng mga newfound friends nila sa Queen City of the South.
Natagpuan na ni Baron, hindi lang ang mga mahal niya sa buhay kundi ang lugar kung saan na siya magiging komportable.
Kung nanaisin ni Baron, pwede naman na pala itong sa Amerika na manirahan bilang holder siya ng blue passport. Pero kung nanaisin man niyang doon mamalagi, kailangang kasama o bitbit niya ang mag-iina niya.
Kung may pangarap siya para sa pamilya ngayon, ‘yun ay ang magkaroon na ng sarili nilang bahay.
“Renting pa rin kasi kami. Pero apart from that, my prayer is maprotektahan kami ni Lord from CoVid. Hindi lang sa akin but in the community we are in.”
Nabanggit din ni Baron na marami na pala noon pa man ang nag-alok na sa kanya na tumakbo sa politika.
“I’d rather speak to people sa mga symposium and talk about mental health, addiction, alcohol. Huwag politics. Kasi, I don’t know anything about it. Ngayon, what I am studying has something to do with Theology, not Politics.”
Hindi directing ang pangarap niya. Kundi mag-produce ng pelikula.
“Now, we are talking to some friends or people in California. Makapag-crossover. To have in a project ang American, Korean, Filipino na makapag-shoot here. At matigil na rin ang poverty porn. Na iba naman ang maipakita natin. To be more authentic. Plans pa lang naman.”
Gusto rin ni Baron na mag-focus sa nasimulan na niyang negosyo sa kanyang Bungo o Markang Bungo merchandise. Na galing sa karakter na ginampanan niya sa Ang Probinsyano.
Isang ipinagpapasalamat ni Baron sa pagbangon niya ay ang pag-alalay sa kanya ni Sir Ernie Lopez ng ABS-CBN Publishing na siyang nag-imprenta ng kanyang Beast Mode na aklat.
Nagawa nitong bayaran ang kanyang taxes na nabimbin ng kung ilang taon.
Maayos na buhay at pamilya. On the way to be a successful husband and father at ipagmalaki siya ng mga ito.
Parte ngayon si Baron ng Di Na Muli na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa TV5.