Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos, Luis Manzano

Ate Vi sasabak na rin sa pagba-vlog

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

NAGBUNGA na nga ang pagtuturo sa kanya ng anak na si Luis Manzano at manugang na si Jessy Mendiola sa sisimulang vlog ng Star For All Seasons at Congresswoman na si Vilma Santos sa tanghali ng September 26, 2021.

“Hehe ! Excited !! Promote mo ha, para marami mag-subscribe at mag- share at likes. Ang initial salvo sa Sept 26 ! 12 noon !!  Excited lang !!!”

Ito ang ibinunga ng pandemya sa pamilya ni Ate Vi. Ang pagsasama-sama nila sa tahanan niya. Sa bonding na napuno ng katuwaan.

“Everyday is a learning process. Alam ko na tama ‘yung paniwala ko to create a foundation sa buhay na ito. Fast-paced na ang buhay natin. Walang masama roon. Pero ang foundation mo ang magpapatibay sa ‘yo.”

Nag-share rin si Ate Vi, nang makausap siya ng hosts ng Over A Glass Or Two sa masaya nilang bonding nina Luis.

“Bagong excitement itong in-introduce nila sa akin. Mga TV freak kami. Mahilig sa exercise. I love to travel. ‘Yan nga nami-miss namin. I love Italy. I miss New York.”

Abangan na! Kung natawa tayo sa mga pinaggagawa nila ng anak na si Luis sa vlog nito, iibahin naman ni Ate Vi ang content ng sa kanya.

Lahat na yata ng mga artista ay gumagawa na ng sarili nilang shows in their vlogs, ha! Ano kaya ang ibabahagi o ipakikita sa atin ng Star for All Seasons na hindi pa natin alam sa kanya? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …