Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre

Nadine suwerteng nakakabyahe kahit pandemic

HATAWAN
ni Ed de Leon

MALAKI talaga ang pagkakaiba ng buhay ng mga madadatung at mga personalidad, kahit na sa panahong ito ng pandemya. Habang ang karamihan ay halos maburyong na sa loob ng bahay dahil sa  lock­down, iyong iba nakalalabas, kasi can afford naman sila.

Ka­gaya nga noong isang araw, nag-post pa si Nadine Lustre ng picture niya na nagsu-surfing sa Siargao, aba bihira ang mga taong makabi-biyahe sa Siargao sa panahong ito. Pero kaya niya nagawa iyon, siguro ay bakunado siya, may kompletong RT-PCR tests, at nakakuha rin ng permit to travel. Iyan namang mga artista madaling makakuha ng permit to travel dahil sasabihin lang nila may shoot sila sa lugar na pupuntahan. At alam naman ninyo sa ngayon, lenient sila sa mga artista dahil baka kailanganin nila sa nalalapit na eleksiyon.

Ganoon lang talaga ang buhay, laging may pribilehiyo ang madadatung at mga sikat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …