Saturday , November 2 2024
AMLC, Pharmally

Yaman nina Yang, Lao, at Pharmally directors dapat i-freeze — De Lima

HINILING ni Senadora Leila de Lima sa  Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang agarang pag-freeze sa mga yaman at ari-arian ng Pharmally Pharmaceutical Corporation executives kasunod ng pagtawag sa kanila na “soulless monsters” batay sa takbo ng imbestigasyon ng senado ukol sa pagbili ng luxury cars matapos makuha ang multibillion-peso worth of government contracts.

Ayon kay De Lima, Chairwoman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, ang pag-freeze sa mga yaman at ari-arian ng Pharmally Directors ay dapat madaliin at agarang gawin bago pa lumipad sa Carribean na kilalang bagsakan ng mga plundered loot.”

“Like everyone else, I was shocked by the parade of Lamborghinis, Porsches, and Lexuses owned by the directors of Pharmally who apparently went wild on a luxury car buying-spree after receiving their P8.7 billion windfall from selling overpriced PPEs, masks, and face shields to the government. Kulang na lang ‘yung Maserati ni ex-DBM Usec. Lloyd Christopher Lao kompleto na sana,” ani De Lima.

Sinabi ni De Lima, hindi dapat payagan na mapunta sa wala ang bawat singkong buwis na ibinayad ng taongbayan.

“The AMLC should immediately apply for a freeze order and initiate civil forfeiture proceedings against these shameless profiteers. Kahit huwag muna si Duterte. Saka na ‘yung kalabaw. Kahit hanggang sa kanyang BFF na si Michael Yang muna,” dagdag ni De Lima.

Magugunitang noong nakalipas na pagdinig ay nabunyag na sina  Linconn Ong, Mohit Dargani, at kapatid nito na si  Twinkle Dargani  ay nakabili at nakapangalan ang apat na luxury vehicles, kalahating taon matapos ang naging transaksiyon sa pamahalaan.

“Alam naman nating laway lang ang puhunan nila, lalo ang laway ni Michael Yang na tila ba napakatamis para kay Duterte at siya pa ang tumatayong abogado para sa kanila. Alam naman nating si Michael Yang lang at ang kanyang koneksiyon kay Duterte ang dahilan kung bakit nakorner nito ang bilyon-bilyonng kontrata sa gobyerno,” ani  De Lima.

Iginiit ni de Lima, patunay ito na hindi ginamit ang pondo sa tamang paggagamitan sa ilalim ng Bayanihan 2.

“Ginamit na pambili ng mga Porsche at Lamborghini, habang namamatay sa gutom at CoVid ang ating mga kababayan. Napakahalimaw nga naman talaga ng Pharmally directors, ano po? Mga walang kaluluwa, pati na iyong kanilang mga kasabwat sa gobyerno katulad ni Usec. Lao, ang nasa gitna sa lahat ng transaksiyong ito na si Michael Yang, at ang kanilang kalabaw na tinutuntungan sa Malacañang, walang iba kung hindi si Duterte,” dagdag ni De Lima.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *