Thursday , December 19 2024
Rico Blanco, Maris Racal 

Rico bumabata ang awra dahil kay Maris

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 “WELL, they deserve each other!”

Ganyan ang tingin namin kina Rico Blanco at Maris Racal but we mean it in a very positive way. 

Bumabata ang awra ng rock singer at medyo nag-mature naman si Maris. Halata ‘yon noong nag-guest sila sa ASAP last Sunday. 

Nagsimula na ring mabawasan ang pagiging mysterious ni Rico lalo pa’t nagti-TikTok na siya kasama si Maris.

May panahon na naging bulong-bulungan na may relasyon si KC Concepcion kay Rico pero estudyante pa lang ang anak na panganay ni Sharon Cuneta noon sa International School sa Makati kaya di ibinuyangyang ng showbiz press ang relasyon nila. 

Pero ngayon, very open na si Rico sa relasyon sa mas batang si Maris.

Twenty five years ang age gap nina Rico and Maris. Twenty three si Maris and 48 ang dating member ng bandang Rivermaya.

Pang-pop na, kundi man pang-Gen Z na, ang latest project ni Rico. Siya ang may likha ng updated version ng theme song ng Pinoy Big Brother (PBB) na ang 10th anniversary edition ay sa Kumu ipalalabas.

Inilunsad ang anniversary version ng Pinoy Ako na nagkaroon ng pagbabago sa titulo at bagong areglo mula sa music icon na si Rico. Unang narinig ang kanta noong 2005 mula sa bandang Orange and Lemons.

“It’s such an honor to do the song. Just what it stands for. The original version is so well-loved,” ani Rico.

“This is a chance to rediscover it,” dagdag niya sa ginanap na virtual media conference para sa latest edition ng PBB. 

Sa introduction part pa lang ng kanta ay maririnig na ang etnikong tunog sa bagong Pinoy Tayo, na komposisyon nina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo, Clem Castro, at Rico, na siya ring nagprodyus nito katulong si Jonathan bilang supervising producer.

Pagbabahagi ni Rico tungkol sa inspirasyon niya sa paggawa ng bagong bersyon: ”Tinanong ko ang sarili ko ‘ano ba ‘yung ako’ and I put in all the small elements that my songs had throughout the years. 

“Excited ako about that happiness na mabibigay ng kanta. It’s a very bright, upbeat song, and I kept that from the original version.” 

Samantala, bukod sa pagiging theme song ng PBB, nakatakda ring maging lead single ang Pinoy Tayo ng 25-track album na ilalabas ni Jonathan bilang pagdiriwang ng kanyang ika-20 taon sa industriya.

Hindi pa rin makapaniwala ang multi-awarded singer at songwriter na si Jonathan sa naging tagumpay ng kanta bilang statement ng Pinoy pride at sa patuloy nitong pag-angat sa damdamin ng mga Filipino sa iba-ibang henerasyon.

Masaya rin niyang ibinahagi na finally ay naisakatuparan na ang dream collaboration niya kasama ang isang icon at legend sa katauhan ni Rico.

Para sa mga nagnanais maging Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 housemate, maaari nang mag-audition ang may edad 20 hanggang 40 bilang adult housemates hanggang Sept. 30.

By the way, isa nga pala si Maris sa nanawagang i-extend ang voter’s registration na magtatapos na by the end of the month. Tweet niya: ”Sana talaga i-extend ang registration kasi ang hirap ng 300 slots lang per day tapos 4 days a week lang dito. Please extend voter’s registration!”  

About Danny Vibas

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *