Sunday , December 22 2024
Julian Ongpin, Bree Jonson

Anak ng bilyonaryo tiklo sa cocaine kasamang pintor natagpuang patay (Sa La Union)

DINAKIP ang anak ng isang prominenteng negosyante matapos makakita ang mga awtoridad ng cocaine sa tinutuluyang silid, na kinaroroonan din ng nobyang walang malay, sa isang hotel sa San Juan, La Union nitong Sabado, 18 Setyembre.

Kinilala ni P/Maj. Gerardo Macaraeg, hepe ng San Juan MPS, ang suspek na si Julian Ongpin, 29 anyos, anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin, dinala sa himpilan ng pulisya matapos matagpuan sa kanilang silid ang ilegal na droga at ang walang malay na kasama niyang si Bree Jonson (Breana Patricia Jonson Agunod), 30 anyos, isang pintor, residente sa Malate, Maynila.

Ani Macaraeg, hindi nila tiyak kung patay na si Jonson nang datnan nila sa hostel kaya dinala nila ang babaeng pintor sa Ilocos Training and Regional Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival.

Isinailalim sa awtopsiya ang katawan ni Jonson upang patukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa pulisya, dumating sina Ongpin at Jonson sa hostel dakong  8:30 pm noong Biyernes, 17 Setyembre, saka sinundo ng kanilang mga kaibigan dakong 10:00 pm.

Sa talaan ng guwardiya ng hostel, bumalik ang dalawa 2:58 am, Sabado, 18 Setyembre.

Dakong 3:30 am nang magkaroon ng komosyon sa silid na inookupa ng dalawa na nagtagal ng halos 15 minuto.

Nakita sa kuha mula sa security camera na labas-masok si Ongpin sa silid at hindi mapakali habang umiinom ng alak.

Nagresponde ang pulisya sa natanggap nilang tawag dakong 4:30 am mula sa ospital kung saan nila natagpuan ang walang malay na si Jonson na nakahiga sa kama.

Samantala, kinukuwestiyon ng pamilya ni Jonson ang nabalitaang maagang pagpapalaya kay Ongpin at ang pagkaantala ng paglalabas ng resulta ng awtopsiya sa labi ng pintor.

Ayon kay P/Lt. Col. Abubakar Mangelen, information officer ng PNP PRO1, sinampahan si Ongpin ng dalawang bilang ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ngunit hindi niya makompirma ang pagpapalaya sa suspek dahil hindi sila ang direktang may hawak sa kaso.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *