Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chess PCAP Laguna Heroes Olongapo Rainbow Team 7

Ologapo Rainbow giba sa Laguna Heroes

NAKAAHON ang Laguna Heroes pagkaraang makatikim ng talo  sa  Manila Indios Bravos nang bumawi sila ng panalo sa  Olongapo Rainbow Team 7, 17-4, sa third conference ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online tournament via chess.com nitong Sabado, Setyembre 18, 2021.

Tinibag  ni Grandmaster John Paul Gomez si National Master Levi Mercado para ihatid ang Heroes sa 2-1 win-loss record sa Northern Division.

Si Gomez na many-time olympiad member ay pinasuko si Mercado sa 30 moves ng Bogo Indian Defense sa rapid play.

Nagtala rin ng importanteng panalo sa Heroes  sina Michella Concio, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Vince Angelo Medina, Kimuel Aaron Lorenzo at Arije Bayangat.

Suportado ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic, KALARO at ng Rotary Club of Nuvali, kinaldag din ng Laguna Heroes ang Pasig City King Pirates, 11.5-9.5.

Susunod na makakalaban ng Heroes ang Rizal Batch Towers at ng Caloocan Loadmanna Knights sa Miyerkoles. (Marlon Bernardino)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …