Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rico Blanco, Maris Racal, PBB

Rico Blanco payag maging housemate sa PBB 10

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SA ginanap na zoom mediacon para kay OPM Icon Rico Blanco nitong Martes para sa bago niyang areglo ng Pinoy Big Brother theme song na Pinoy Ako na orihinal ng Orange and Lemon ay natanong siya kung okay sa kanyang pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya bilang celebrity housemate.

“Okay naman, kaso baka i-evict nila ako kaagad kasi ang ingay-ingay ko. Wala akong gagawin kundi tumugtog ng tumugtog.

“Kailangan magpaalam lang ako sa mga artist na mina-manage ko. Kailangan kong magpaalam ng maayos. Gaano katagal ba ‘yun usually?”balik-tanong ni Rico sa host na si Myx VJ Ai de la Cruz at sinagot siya ng ‘it takes months.’

“’Yun lang (natawa) kasi may mga artist akong mina-manage. But let’s say wala ‘yun? I think that’s really interesting. I had this conversation before with my family while we were watching kasi paborito siya ng lola ko, God bless her she’s not with us anymore.

“There was a time na I used to go to her room and ‘yun ‘yung bonding naming, nanonood siya (PBB), so with my titas, my mom, my relatives would ask me, ‘kung ikaw papasok ka? Ay ‘wag na lang ikaw kasi makikipagsagutan ka kay Kuya, eh (natawa).

“Magpapaliwanag daw ako, hindi ako magpapatalo (kay Kuya). Yeah, maybe, but yeah, ‘wag na lang (pumasok sa PBB),” tumatawang kuwento ni Rico.

Samantala, narinig na ang bagong areglo ng Pinoy Ako ni Rico na magsisilbing official soundtrack ng Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10 sa ASAP Natin ‘To at kasama ang ex-housemates at Big Winners na sina Kim Chiu, Maymay Entrata, Melai Cantiveros, Robi Domingo, Edward Barber, Loisa Andalio, at Maris Racal na sinayaw nila.

Maraming netizens ang nagkagusto ng bagong tunog na ito ni Rico tulad ng YouTube user na si Christine Loy, ”a chic, edgy, and fresh take on Pinoy Ako. Awesome performance by Rico Blanco.”  

Para naman kay Twitter user @jkthelagogh, ”Wait, ang cool pakinggan ‘nung version ni Rico Blanco ng Pinoy Ako. PBB season na nga ulit.”

Patok din kay netizen Shyra Dee ang bagong tunog ng Pinoy Tayo, na lead single sa 25-track album ng tanyag na composer at ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo para sa kanyang ika-20 taon sa industriya.  

“Wooah! Love the version. Thank you sir Jonathan Manalo. Hoping mapanood ulit si Rico at Maris sa ‘ASAP’ stage,” komento ni Shyra sa performance na mapapanood pa rin sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.  

Si Jonathan ang supervising producer ng single, habang nagsilbing producer si Rico. Nagdagdag din siya ng bagong liriko sa orihinal na Pinoy Ako song na isinulat nina Jonathan at Clem Castro at unang pinasikat ng bandang Orange and Lemons.

At para sa latest tungkol sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, i-follow ang @pbbabscbntv sa Facebook (@pbbabscbntv), Twitter (@pbbabscbn), Instagram (@pbbabscbntv), at kumu (@pbbabscbn).  Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

MMFF 2025 Movies

MTRCB ratings ng 8 pelikula sa MMFF inilabas

NATAPOS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa pangunguna ni Chairperson at CEO Lala …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …

Rhodessa Montano Belen

Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 Rhodessa Belen tinulungan Philippine Delegates; Korona ipinasa sa bagong reyna

PORMAL nang nagtapos ang reign ni Rhodessa Montano Belen bilang Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 o sa ginanap na Mrs. …