Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
, LJ Reyes

Pagnanasa ni Paolo kay LJ tiyak babalik

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MAY panahon kayang naging magkabarkada off-camera sina Gerald Anderson at Paolo Contis na parehong Tisoy? At parang pareho lang din sila na iiwan ang babae ‘pag sawa na. 

Pero parang mas grabe si Paolo dahil ang dami naman pala n’yang ulit na pinagtaksilan si LJ Reyes sa anim na taon nilang pagsasama. Habit na talaga n’ya ang maging unfaithful. 

O posible pa ngang ‘di iniisip ni Paolo na unfaithful siya tuwing nakikipaglampungan sa ibang babae. Ang feeling lang n’ya ay ang guwapo n’ya kaya madaling mahibang sa kanya ang ilang mga babae na wala rin naman sigurong panahon sa matibay na relasyon. 

Pero ‘di kaya bumalik ang paghanga at pagnanasa ni Paolo kay LJ ‘pag nakita n’ya ang pictorial nito sa New York? 

Parang napaka-uncomplicated ng ganda at alindog ni LJ sa pictorial na ‘yon. Parang ni wala siyang make-up. Simple lang ang kasuotan n’yang black pants and black blouse pero lutang na lutang ang ganda at alindog n’ya. 

Baka hindi kaya ng ibang mga artistang babae na nagpapa-pictorial sa ibang bansa na palutangin ang ganda nila sa isang black and white pictorial na iisa lang ang outfit. Kailangan nila ng makapal na make-up at ilang maleta ng pinakamakukulay na outfits na may mga komplikadong disenyo para magmukha silang maganda at interesting. 

Siguradong isang araw ay talagang pagsisisihan ni Paolo ang pang-iiwan nya kay LJ!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …