Friday , November 22 2024
Quezon City QC Joy Belmonte

Mayor Belmonte no.1 pa rin sa QC

NAPATUNAYANG muli na si Mayor Joy Belmonte pa rin ang pinagkakatiwalaan ng mga taga-Quezon City para mamuno, magsagawa ng mga programa, at mga polisiya na makabubuti sa lahat ng mamamayan ng lungsod.

Sa inilabas na ‘independent survey’ na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc., nitong 6 Setyembre 2021, nangunguna pa rin ang pangalan ni Mayor Joy sa mga pinagkakatiwalaang opisyal ng lungsod.

Kung gaganapin nga raw ang halalan sa ngayon, para sa pagka-punong-lungsod, 57% ng mga botante ay iboboto pa rin ang nag-iisang anak na babae ng dating Quezon City Mayor at House of Representative Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte.

Malayong pumangalawa kay Mayor Joy ang dating punong-lungsod na si Herbert Bautista na may 24 porsiyento lamang.

Ang mapagtuligsang kongresista na si Anakkalusugan Partylist Representative Michael “Mike” Defensor ay nasa malayong pangatlong posisyon, sa nakuhang 14% porsiyento sa nasabing survey.

Matatandaang inakusahan ni Defensor kamakailan ang pamunuan ni Belmonte ng iba’t ibang katiwalian sa paghawak ng mga pondo sa pandemyang dulot ng CoVid-19 at inatasan ang Commission on Audit (COA) na tingnan at imbestigahan ang kanyang mga alegasyon.

Para kay Atty. Orlando Casimiro, hepe ng Legal Department ng Quezon City, ang mga patutsada ni Defensor ay pamomolitika lamang dahil nais nitong maging mayor ng lungsod.

“Papalapit na ang eleksiyon, muling naglabasan ang mga walang katotohanang alegasyon tungkol sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, na ipinapakalat ng mga nais kumandidato sa darating na halalan. Gusto rin po naming ipaalala na ang COA mismo ang mabusising sumusuri ng ating mga gastusin, at sa kanilang audit nakita nila na lahat po ng ating mga transaksiyon ay above board at binigyan pa tayo ng pinakamataas na marka sa buong kasaysayan ng QC. Tayo po ang unang administrasyon sa lungsod na nabigyan ng karangalan na ito dahil sa ating estriktong pagsunod sa mga polisiya at sa kultura ng maayos na pamamalakad na ating ginagampanan mula noon pang manungkulan si Mayor Belmonte,” paliwanag ni Casimiro.

NO. 1 DIN SA MM

ISA pang naunang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc., ukol naman sa pagganap ng mga mayor sa kanilang mga tungkulin, nangunguna rin si Mayor Joy Belmonte sa lahat ng mga mayor sa  Metro Manila. 

Ang nasabing “NCR Mayors: Performance Survey 2022 Elections: Voters Preference for NCR Mayors” ayon sa foundation ay ginawa noong 1-10 Agosto, na 5,750 katao ang tinanong sa survey.

Lumabas resulta, 86% ng mga taga-National Capital Region (NCR) o Metro Manila ay tiwalang nagagampanan ni Mayor Belmonte ang kanyang mga sinumpaang tungkulin.

Pumangalawa sa Mayora sa nasabing survey si Manila Mayor Isko Moreno (85%) at pangatlo naman si Pasig City Mayor Vico Sotto (83%).

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *