Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Verzosa, Bekis On The Run

Kylie, most important star ng Viva

MA at PA
ni Rommel Placente

KASAMA si Kylie Verzosa sa pelikulang Bekis On The Run na pinagbibidahan nina Christian Bables at Diego Loyzaga. Gumaganap siya rito bilang si Adriana, na kapareha ni Diego.

Ang nasabing pelikula ay isang comedy-drama na mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Sa Bekis On The Run ay may linya si Lou Velozo, gumaganap na tatay nina Christian at Diego na, ”mahirap maging bakla.”

Ang paliwanag ni Kylie sa sinabing ito ni Lou ay, ”’Yung take ko rito is, naalala ko ‘yung older generation, na nagsasabi na parang hindi sila masayadong open sa LGBTQ community. And parang ito ‘yung old way of thinking na parang close minded sila. And dito na rin makikita ‘yung mga struggle ng mga closeted gay guys.

“So parang may judgement na kasama kapag sinasabi na part ako ng LGBTQ community. ‘Yung word na bakla ginagamit siya as negative term pero hindi naman dapat. So just small instances like that ‘yung nakukuha ko roon sa mahirap maging bakla sa mundo.”

Sunod-sunod ang paggawa ni Kylie ng pelikula sa Viva at marami pang nakalinya siyang gagawin kaya naman sinasabing siya na ang susunod na most important star ng Viva. At ang masasabi ni Kylie tungkol dito. ”Wow! Talaga ba? Ewan ko! Thank you so much. Very flattered. Pero sa tingin ko, marami rin naman kami sa Viva na deserving and grateful lang ako na nabibigyan po ako ng opportunity and pinagkakatiwalaan ako ng Viva at ng mga boss sa mga project na ito.”

Ang Bekis On The Run ay ipalalabas na sa September 17, exclusively streaming sa Vivamax. Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na rin ng app at mag-subscribe via Google Play Store, App Store at Huawei AppGallery. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.  Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax. Pwede mo na rin i-cast ang mga shows sa inyong Smart TV sa pamamagitan ng Google Chromecast or Apple TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …