Sunday , November 17 2024

‘Pharmally deals’ scam of the decade

091521 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

MAITUTURING na ‘scam of the decade’ ang maanomalyang paggagawad ng administrasyong Duterte ng P12 bilyong halaga ng kontrata sa Pharmally Pharmceutical Corporation para sa medical supplies.

“The Pharmally Deals have the makings of a ‘scam of the decade’ that could rival the Napoles PDAF scam,” sabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, Jr.

Mas malaki aniya sa pamosong P10-B Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam na nabunyag noong administrasyong Aquino ang Pharmally deals.

Nagresulta sa pagkabilanggo nina noo’y Senate President Juan Ponce-Enrile, Sens. Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Janet Napoles at iba pang mga tauhan nila ang isinulong na imbestigasyon ng Senado at Ombudsman batay sa Commission on Audit (COA) special audit report sa PDAF.  

Ani Reyes, malinaw na pinaboran ang isang kompanya (Pharmally) na walang malaking puhunan, walang track record sa government procurement, walang kapasidad para umangkat, magmanupaktura at nakasandal lamang sa suporta at ayudang pinansiyal ni Michael Yan, dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“There is reasonable basis to suspect that this is a mere dummy company acting as middleman,” ani Reyes.

May lumalabas na aniyang posibilidad na may ghost deliveries sa pagbili ng medical supplies dahil ang inspection form ng PS-DBM ay nilagdaan kahit wala pang deliveries o hindi pa dumarating ang mga produkto.

Malinaw aniyang sinamantala ang pandemya at ginamit ang Bayanihan Act upang balewalain ang procurement laws at anti-corruption guidelines na nagbigay daan sa oportunismo at mga kondisyon para sa malawakang korupsiyon.

 “Supplies purchased through emergency procurement and negotiated contracts now appear to be overpriced and thus disadvantageous to the Filipino people,” sabi ni Reyes.

Itinutulak aniya ni Pangulong Duterte ang isang Constitutional crisis para pagtakpan ang katotohanan at kuropsiyon sa pagbabawal ni Pangulong Duterte sa mga miyembro ng kanyang gabinete na dumalo sa mga pagdinig sa Senado kung wala siyang clearance.

“The public now demands to know how taxpayers money were spent. Duterte’s requirement that cabinet secretaries seek prior clearance from him before attending senate probes is a throwback to Gloria Arroyo’s EO 464. It is tyrannical and is an obvious effort to cover up corruption,” ani Reyes.

“The President is opposed to investigation kasi ang feeling niya ay aabot sa kanya. Sa kadedepensa niya, maiisip mo talaga, baka ito ang ‘godfather’ ng mga contracts na ito, siya ang nagbigay ng go signal,” sabi ni Reyes sa online forum ng Bulatlat na Phar-mali.

Para kay public procurement expert Zoilo Andin, Jr., wala sa layunin ng Kongreso nang ipasa ang Bayanihan Law na kahit rush o madalian ang pagbili ng medical supplies sa panahon ng pandemya ay dapat gawing bara-bara o bahala na si Batman.

“Kahit rush ‘yan, hindi ibig sabihin bahala na si Batman, ibig sabihin, todo ang effort para matugunan ang emergency. Hindi ibig sabihin lahat ng methods ng pag-iingat ay ipa-flush mo sa toilet. ‘Yung fundamental obligation na pangalagaan ang ipinagkatiwalang pera sa atin ay hindi nawawala,” aniya.

About Rose Novenario

Check Also

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *