Thursday , December 19 2024
BIR Money Pharmally

P2-B hindi idineklara ng Pharmally sa ITR

HALOS P2 bilyon ang nabigong ideklara ng Pharmaly Pharmaceutical Corporation sa kanilang income tax report (ITR).

Ito ang nabunyag sa pagtatanong ni Senador Imee Marco, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersiyal na pondong ipinambili ng face shields, facemasks at iba pang personal protection equipment (PPE).

Batay sa dokumentong isinumite ng Pharmally sa Senado, lumalabas na tanging P7 bilyong kinita sa mga proyektong ipinasok sa pamahalaan ang kanilang idineklara sa kanilang ITR.

Aniya, taliwas sa deklarasyon ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) ang nakuha nilang kabuuang halaga ng proyekto ay mahigit sa P9 bilyon.

Sinabi ni Marcos, ang pabago-bagong isinusumiteng mga dokumento at binabanggit na mga numero ay nagdudulot ng pagkalito maging sa kanilang mga senador.

Nais ni Marcos na isumite talaga ang kabuuang paper trail ng transaksiyon ng kompanya sa pamahalaan lalo sa mga buwis na dapat bayaran.

Gusto rin malaman ni Marcos ang kabuuang binayarang custom tax ng kompanya dahil mali ang impormasyong nasa kanila taliwas sa pahayag ng Bureau of Customs (BoC). (NIÑO ACLAN) 

Kahit walang produkto
INSPECTION REPORT GINAWA NG PS-DBM

INAMIN ng  inspector ng PS-DBM na gumawa sila ng dalawang inspection report kahit wala pang produkto o item na natatanggap ang pamahalaan para matiyak ng Chinese supplier na mababayaran sila ng pamahalaan.

Ginawa ang pag-amin ng dating Officer-In-Charge ng Inspection Division ng PS-BDM na si George Mendoza sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado.

Ayon kay Mendoza, gumawa siya ng dalawang inspection report noong Marso ng nakalipas na taon kahit hindi pa naide-deliver, nakikita, at talagang wala pa ang produkto o item sa “possession” ng pamahalaan.

Ngunit sinabi ni Mendoza, gumawa siya nito matapos ang meeting at utos ng nagngangalang Atty. Catalan mula sa DBM.

Ayon kay Mendoza, sinabi ni Catalan na ang utos ay mula sa ‘management’ bagay na hindi na niya inusisa kung sino at ano ang puwesto.

Dagdag ni Mendoza, ipinaliwanag sa kanya ni Catalan na gagamitin ito bilang attachment para matiyak ng kompanya mula sa China na mababayaran ng pamahalaan ang produktong kanilang isu-supply.

Kinompirma ni dating PS-DBM undersecretary Lloyd Lao, nangyari ang naturang insidente.

Ngunit, ang naturang items o produkto ay dumating sa ating bansa mula sa China.

Sinabi ni Lao, ito ay isang madaliang transaksiyon dahil kinakailangan ng bansa ang mga kagamitan bilang panlaban ng frontliners sa CoVid-19.

Magugunitang inamin ni Secretary Carlito Galvez, Jr., ginamit ang C-130 at ang isang sasakyang pandagat ng Philippine Navy para madala sa bansa ang mga item mula sa China.

Katuwiran nina Lao at Galvez, mahigpit ang lahat ng entry at out sa iba’t ibang airport at pantalan dahil sa lockdown kung kaya’t nagamit ang mga sasakyan at kagamitan ng bansa. (NIÑO ACLAN)

YANG KOMPIRMADONG NAGPONDO SA PHARMALLY

SINABI ni Pharmally Pharmaceutical Corporation Director Linconn Ong, tatlong beses tumulong si dating Presidential Adviser Michael Yang para pondohan ang kanilang transaksiyon sa pamahalaan, partikular ang pagbili ng test kits, facemasks, face shields at personal protection equipment (PPE).

Kabilang sa mga tinukoy ni Ong ang mga transaksiyong nagkakahalaga ng P3.82 bilyon, P2.87 bilyon at ang P600 milyon.

Ayon kay Ong, hiningi nila ang tulong ni Yang para matiyak na kanilang maide-deliver sa pamahalaan ang mga produkto.

Aminado si Ong, siya mismo ang personal na lumapit at humingi ng tulong kay Yang para sa pondo.

Ayon kay Pharmally President  Huang Tzu Yen, si Ong ang nakaaalam ng transaksiyon at usapan sa pagitan ni Yang at ng kanilang kompanya. (NIÑO ACLAN)

KLIYENTE NI FORTUN ‘NO SHOW’ SA SENADO

BIGONG makadalo sa ika-anim na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Presidential Adviser Michael Yang dahil sa alta presyon ayon sa kanyang abogadong si Atty. Raymund Fortun.

        Ayon Fortun, nakatakda silang magkita ng kanyang  kliyente para humarap sa pagdinig ngunit nag-text sa kanya at sinabing sumama ang kanyang pakiramadam.

Agad umanong nagpakonsulta sa doktor ang kanyang kliyente para malaman ang kondisyong pangkalausugan.

Ani Fortun, pinayohan si Yang ng kanyang doktor na magpahinga ng limang araw dahil sa kanyang hypertension.

Ipinakilala ni Fortun ang sumuring doktor kay Yang na isang Dr. Jenny Abtuon, nakabase sa Davao City.

Ani Fortun, isusumite ang medical certificate ni Yang upang mapatunayan na sumama ang kanyang pakiramdam at nasuri ng isang manggagamot.

Tiniyak ng abogado, sa sandaling makausap niya ang kanyang kliyente at matukoy na kaya nang humarap sa pagdinig, kahit hindi pa natatapos ang limang araw na pahinga ay kanyang hihikayating humarap sa Senado. (NIÑO ACLAN) 

About Niño Aclan

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *