I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKUMBINSE ni Matteo Guidicelli si Nico Bolzico, asawa ni Solenn Heussaff na lumubog sa isang malaking timba na puno ng yelo para sa video ng brand ng relo na kanilang ineendoso.
“He thought it was easy UNTIL he went into it. Look at his angry reaction. PRICELESS!!!” bahagi ng caption ni Matteo sa Instagram ng video ng bath challenge na pinatulan ni Nico.
Sinamahan pa ni Matt si Nico sa paglubog sa yelo pero hindi nakatagal ang huli at agad umahon, huh!
Madalas nang gawin ni Matteo ang bath challenge na ito at sisiw na sisiw na ang pakiramdam niya kapag nakalubog!