Saturday , November 2 2024
PS-DBM, DOH
PS-DBM, DOH

P42-B med supplies ‘iniskoran’ ng komisyon, ibinenta pa ulit sa DOH (PS-DBM bumili ng ‘overpriced’ para sa DOH)

090821 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

HUMAKOT ng komisyon sa P42-B pondo mula sa Department of Health (DOH), sa biniling overpriced medical supplies, saka muling ibinenta sa nasabing ahensiya.

Base sa pagdinig kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee, lumabas na tatlong beses pinagkakitaan ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) at ng Department of Health (DOH) ang multi-bilyong CoVid-19 response funds.

Hindi nasagot nina Health Secretary Francisco Duque III at dating PS-DBM chief Lloyd Christopher Lao ang katanungan ng mga senador kung ibinenta ng PS-DBM ang medical supplies sa DOH, na binili rin mula sa P42-B ng health department.

“Isn’t that double payment – you shelled out money to buy the items, then you buy those using your own money again?” tanong ni Sen. Panfilo Lacson kay Duque na hindi masagot ng kalihim.

Nabatid na binili ng PS-DBM ang 1.3 milyong piraso ng face shields sa halagang P120 bawat isa mula sa Philippine Blue Cross Biotech Corporation pero hindi masagot nina Lao at Duque kung ang perang ginamit ay mula sa P42-B pondo ng DOH na ipinasa sa PS-DBM.

Umabot ng 30 minutong paulit-ulit na inurirat ni Sen. Franklin Drilon si Duque ngunit hindi tumugon nang maayos ang kalihim.

“When you moved P42 billion to PS-DBM, did you move it so they can purchase medical supplies and equipment for you, which are now common use supplies and equipment? Or did you transfer the P42 billion so PS-DBM can build an inventory from where public hospitals can get their supplies?” ani Drilon.

Sinagot siya ni Duque na kaya inilipat ng DOH ang P42-B sa PS-DBM upang ibili sila ng medical supplies at equipment.

Ngunit kinompirma ni DOH Undersecretary Carol Taiño na bumili ang kagawaran sa PS-DBM ng face shields sa halagang P124 bawat piraso.

“Ginamit ang pera ng DOH para bumili. Pinagtubuan pa – tubong lugaw. They made P4 profit then they got a 4% commission using budget and funds allocated by Congress,” sabi ni Drilon.

Iginiit ni Duque, ang papel ng PS-DBM ay para ibili lang sila ng medical supplies at equipment at wala siyang alam na binili rin nila ulit ito sa naturang tanggapan.

        “Mr. Chairman, I’m sorry, but I have no information…that we purchased this [again].”

“What I understand is, the budget that was used to purchase these common supplies and equipment is separate from the money utilized to purchase the face shields,” dagdag ni Duque.

Buwelta ni Drilon kay Duque: “What was the budget of PS-DBM in 2020? I assure you, they don’t have that kind of money to be able to purchase P42 billion worth of common supplies and equipment which are medical equipment.”

Hindi aniya puwedeng sabihin ni Duque na ang pondong  ginamit ay mula sa PS-DBM dahil ang budget ay mula sa DOH.

Humirit pa si Duque, “I beg to disagree. But we will look into this. Give me a little more time to verify this.”

Para sa Commission on Audit (COA), kung bumili lamang ang DOH ng common-use supplies mula sa PS-DBM’s store, hindi na kailangan ng memorandum of agreement ngunit dahil iginiit ng DOH na kinuha lamang nila ang serbisyo ng PS-DBM para ibili sila, dapat ay may MOA ang dalawang kagawaran.

Walang naibigay na sagot si Lao sa isyung ito.

Batay sa 2020 COA report, may 485,000 expensive face shields ang nakatambak sa PS-DBM depots na ayon kay Lao ay nahirapan silang ibenta.

TECHNICAL MALVERSATION

HINDI puwedeng ibenta ng PS-DBM ang binili nitong facemasks, face shields at iba pang supplies para sa DOH kung ito’y nagmula sa P42-B inilipat ng Health department sa kanila, ayon kay dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

Wala aniyang karapatan ang PS-DBM na gamitin ang kahit isang kusing mula sa P42-B para ibenta sa ibang ahensiya ng gobyerno.

Maging ang DOH ay hindi puwedeng gamitin ang P42-B para ipambili ng facemasks at face shileds para ibenta ito sa ibang ahensiya dahil ang mandato ng kagawaran ay ipamahagi ito nang libre sa lahat ng ospital at klinika ng gobyerno.

“The mandate of the DOH is to safeguard public health, not buy and sell facemasks and face shields,” ani Carpio sa kanyang pitak sa Philippine Daily Inquirer.

Inilaan ng Kongreso aniya ang P42-B para sa DOH upang gawin ang mandatong tugunan ang pandemic crisis.

Kapag ginamit ng DOH sa ibang paraan ang P42-B, ito’y technical malversation batay sa Article 220 ng Revised Penal Code.

Kapag pinayagan ng DOH o DBM na gamitin ang P42-B para sa ‘stocking operations’ ng PS-DBM, technical malversation din ito.

Kung pinahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang realignment ng DOH funds para sa stocking operations ng PS-DBM , ito’y paglabag sa Saligang Batas o unconstitutional dahil ang P42-B ay hindi mula sa savings ng health department.

About Rose Novenario

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *