Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto, Julia Barretto, Marco Gumabao, Marco Gallo 
Claudine Barretto, Julia Barretto, Marco Gumabao, Marco Gallo 

Julia aminadong ‘di kayang tapatan ang galing ni Claudine

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPURI ang galing ni Julia Barretto sa seryeng handog ng Viva, Sari-Sari, at TV5, ang Di Na Muli na kasama sina Marco Gumabao at Marco Gallo na mapapanood na simula September 18. Pero inamin nitong hindi niya kayang tapatan ang galing ng kanyang tita, si Claudine.

Sa virtual mediacon natanong si Julia kung alin ba sa kanyang estilo ng pag-arte ang nakuha kay Claudine.

Anito, ”Naku, nakuha? Naku siguro, wala. Kasi nag-iisa lang siya, eh.

“Napakahusay niya and growing up, you know, I’ve been always vocal about it, I have always been a fan of her and of her works and of her projects and I really look up to her growing up as an actress.

“Pero again, siguro, when it comes to our craft, iba, we’re different because again, iba siya. Iba talaga siya umarte. Iba talaga siya,” giit pa ng aktres.

Sinabi pa ni Julia na ginagawa niya ang lahat para maging mahusay na aktres din.

“I try my best every day, every time I’m given the opportunity, and I always try to be at my best and perform and deliver and I just want to make everybody around me proud and everybody who trusts me with a project proud and I think that’s always been the goal- to help breathe life into the character that I’m given,” sambit nito.

Kasama rin nina Julia, Gumabao, at Gallo sina Angelu de Leon at Bobby Andrews. Kasama rin sina Baron Geisler, Nicole Omillo, Krisha Viaje, Andre Ylanna, at Katya Santos.

Ginagam­panan ni Julia sa romance drama si Yanna Aguinaldo, isang babaeng may abilidad na makita ang life span ng isang tao kapag hinahawakan niya ang kamay ng mga ito.

Ang Di Na Muli ang unang proyekto ni Julia sa Viva matapos umalis sa Kapamilya Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …