Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
DolE TUPAD, Precious Hipolito Castelo, Winnie Castelo
DolE TUPAD, Precious Hipolito Castelo, Winnie Castelo

1,000 Benepisaryo ng DOLE TUPAD ‘kinotongan’ nga ba ng lady solon?

BULABUGIN
ni Jerry Yap

HINDI natin maintindihan kung bakit ang mga human rights advocates na gaya ni Rep. Precious Hipolito-Castelo, kabiyak ni Quezon City Councilor Winnie Castelo, ay masabit o masangkot sa eskandalo ng panlalamang sa kapwa o pangangkatkong sa sahod ng mga TUPAD beneficiaries.

Nitong nakaraang linggo, nagkagulo at sumugod sa barangay upang magreklamo ang mahigit 1,000 benepisaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa sinabing ‘pangongotong’ ng isang lady solon sa Quezon City.

Ayon sa mga benepisaryo, biktima umano sila ng korupsiyon ng isang halal na kongresista, dahil imbes P7,518 ang kanilang makukuhang suweldo sa TUPAD ay naging P2,000 na lamang matapos kunin ng mga tauhan ng mambabatas ang P5,518.

Ayon sa isang residente ng QC, agad kinakaltasan ng tauhan ng kongresista ang sahod ng mga benepisaryo ng TUPAD pagkatapos makuha sa mga remittance center.

Tinukoy ng mga benepisaryo, ang nasabing kongresista na si Congw. Castelo.

Ilang beses na rin umanong nagpatawag ng meeting sa kanilang lugar ang tagakolekta ng mga pera na isang Castelo rin.

        Hanggang ngayon ay wala pang pahayag ang babaeng kongresista tungkol sa isyu ng ‘kinatkong’ na suweldo ng mga benepisaryo ng TUPAD Program.

        Ang asawa ni congresswoman na si Councilor Winnie ay nagsabi na hindi sita titigil hangga’t hindi lumalabas ang katotohanan sa nasabing isyu.

        O sige, Konsehal Winnie, may ipinaabot lang po ang ibang benepisaryo sa inyo. Kung gusto raw ninyong mabusisi talaga ‘yan, umpisahan ninyo kay ‘Ma’m Jacky.’

        ‘Yung lang po… and you may start, now na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …