Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang, AJ Raval, Jela Cuenca
Angeli Khang, AJ Raval, Jela Cuenca

Viva naka-jackpot sa sexy movies

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

WALANG mapagsidlan ng tuwa ang Viva bosses dahil lahat ng mga pelikulang ipinrodyus nila para sa Vivamax platform ay blockbuster kaya naman pala ‘yung dating isang beses na mediacon sa isang linggo ay nagiging dalawa hanggang tatlong beses na.

Marami kasing pelikulang naka-bangko ang Viva Films na kailangan nilang ipalabas na at marami ring naka-line up na gagawin pa kaya ang saya-saya ng mga taga-production dahil hindi sila nawawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya.

Bukod sa production, marami ring baguhang artista ang nabigyan ng venue para makilala at sumikat nang husto at ang mga datihan naman ay nabibigyan ng second chance para muli nilang ipamalas ang kanilang talento.

Samantala, may bagong girl group ang Viva na tinawag nilang VMX Crush (Viva’s Maximum Crush) na binubuo nina Angeli Khang, Jela Cuenca, at AJ Raval na lumabas sa pelikulang Taya na kasalukuyang malakas ngayon sa Vivamax.

Si AJ ay napansin na sa Death of A Girlfriend at sina Angeli at Jela naman ay nagpakitang gilas sa Taya.

Naalala namin dati ang first batch ng grupong Viva Hot Babes na pinanggalingan nina Katya Santos, Andrea del Rosario, Jen Rosendahl, Gwen Garci, Myles Hernandez, Kristine Jaca, Hazel Cabrera, Sheree, Pam Sarmiento,at Maui Taylor.

Grabe ang kasikatan ng grupong ito dahil kaliwa’t kanan ang imbitasyon nila hanggang sa ibang bansa kaya bumuo ulit si Boss Vic del Rosario ng 2nd batch dahil hindi lahat ay nadadaluhan na nila.

At dito na nakilala ang 2nd batch na umingay nang husto dahil kay Asia Agcaoili, Ella V, Jaycee Parker, Jennifer Lee, Anna leah Javier, Katrina Gonzales, Alyssa Alano, R’U Miranda, Vanessa Khain, at Maia Majendra.

May batch 3 and 4 pang sumunod ang Viva Hot Babes pero dahil patapos na ang era ng sexy stars ay hindi na sila masyadong sumikat.

At ngayong pandemya ay sinubukan ulit ng Viva Films na gumawa ng sexy films at muli silang naka-jackpot dahil ito ang kinakagat ng tao bukod sa BL series/movies.

Kaya naniniwala kami na bukod kina AJ, Angeli, at Jela, madaragdagan ang VMX crush.

Anyway, ang Taya movie ng tatlo ay nasa Top 10 Content of the Week ng Vivamax kaya panay ang pasalamat ng tatlong sexy stars sa mga nanood dahil malakas nga ang pelikula nila at sana may mga kasunod ulit silang projects.

Nitong Marso 2021 pumirma si Jela ng kontrata niya sa Viva at itong Taya ang una niyang project na labis niyang ikinagulat dahil nga sexy.

Pero dahil malaki ang tiwala niya sa Viva at sa direktor nilang si Roman Perez, Jr kaya napapayag siya plus dumaan siya sa workshop kasama ang co-stars niya.

Tubong Bayawan City, Negros Oriental si Jela at sa photo shoot siya nadiskubre ng manager niya at 23 na siya sa kaarawan niya sa Setyembre 19.

Isa sa dahilan kung bakit pinasok ni Jela ang showiz ay para tulungan ang pamilya tulad ng ibang baguhan ay magsisikap siyang mabuti para maabot ang pangarap niya at nagsilbing si AJ ang kanyang tagapayo sa mga gagawin niya na ipinag­papasalamat din niya.

Edad 20 naman si Angeli at dati siyang cosplayer at modelo bago siya napasok sa showbiz at ang digital movie na Taya ang una rin niyang pelikula at willing siyang matuto para mas ma-improve ang acting ability niya.

Wala ng gaanong introduction si AJ dahil kilala naman siya bilang anak ng action star na si Jeric Raval na kasa-kasama ng aktor noon, pero ngayon hindi na kabuntot ng ama ang dalaga dahil kilala na siya bilang AJ Raval na Viva’s next superstar.

Inamin ng dalaga na kahit puro pa-sexy ang ginagawa niya ngayon sa mga pelikula ay hindi pa rin nawawala ang pangarap niyang maging action star tulad ng ama kaya sana mabigyan siya ng project na tulad nito.

Sabi nga niya, ”Honestly, I joined showbiz to become an action star, just like my father. But life has a different path for me, and so far, everything is doing fine.”   

Bukod sa pag-arte ay marunong ding kumanta si AJ, ”I already recorded a song along with my brother. And we recorded it under Viva Records.”  

Kakahiwalay lang ni AJ sa dati niyang boyfriend na si Axel Torres pero masaya siya ngayon sa buhay niya at hindi naman niya binanggit kung sino ang nagpapasaya at inspirasyon niya bukod sa pamilya niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …