Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval, Angeli Khang, Jela Cuenca
AJ Raval, Angeli Khang, Jela Cuenca

AJ, Angeli, at Jela tagapagmana ng Viva Hot Babes

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAPANINDIGAN kaya nina AJ RavalAngeli Khang, at Jela Cuenca ang pagpalit sa trono ng Viva Hot Babes?

Matunog na matunog noon ang Viva Hot Babes na halos kabi-kabila ang pelikula at guestings nila. Ngayon, kompiyansa ang Viva na sina AJ, Angeli, at Jela ang posibleng magmana ng trono ng VHB dahil sa tinutukan talaga sila ng mga barako sa pelikula nilang Taya.

Kaya naman tinagurian silang VMX Crush o Viva’s Maximum Crush. Nakapagtala kasi ng record sa Vivamax, ang bagong no.1 streaming platform sa bansa, ang Taya na nakakuha ng pinakamataas na views sa unang araw ng pag-premiere nito. Ito’y dahil sa tatlo na mga bagong crush ng bayan.

Nakikita ng Viva na maaaring may tagapagmana na ng init ang alindog ng isang grupong itinatag din nila na masasabing “iconic” na—ang Viva Hot Babes.  

Si Jela, 23, ay taga-Negros Oriental na namo-model at sumasali sa mga pageant sa kanyang probinsiya bago nadiskubre ng  kanyang manager. Isang half-Korean cutie naman si Angeli, 20 na nagmomodelo rin at nagco-cosplay bago nabigyang ng pagkakataong makapag-artista.

Bagamat unang sabak pa lang sa acting ni Angelis a Taya, marami na siyang natutuhan sa pag-arte. ”Nakita ko na ang daming bagong pwedeng matutuhan sa pagiging artista,” aniya.

Si AJ naman ang “bagong queen ng sexy films” ayon sa director na si Roman Perez Jr.. Unang nagpakita ng galing sa pag-arte at kaseksihan  si AJ sa Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar na talaga naming walang kiyeme pagdating sa acting at gagawin ang lahat para mapaganda ang  trabaho. Kaya’t halos lahat ng pelikula niya ay nasa top 10 ng Vivamax.

Sa kabilang banda, si AJ na raw ang Pantasya ng Bayan. ”Hindi ko naman po nafi-feel na ako ang pantasya ng bayan,” ani AJ.

Hindi lamang sa Taya  makikita at mapa­panood sina Angeli, Jela, at AJ dahil marami pa silang project na nakalinya mula sa Viva Films.

Panoorin na Taya sa Vivamax para malaman ninyo kung may K na ng aba ang tatlo na palitan ang trono ng Viva Hot Babes.

Mag-subscribe web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei AppGallery.

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.  Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …