Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pharmally
Pharmally

Pharmally ‘middleman’ ng Duterte admin

KINUWESTIYON ni Sen. Franklin Drilon ang papel ng Pharmally bilang middleman sa pagbili ng PS-DBM ng medical supplies sa panahon ng pandemya gayong nakipag-usap naman sa gobyerno ng China ang mga opisyal ng administrasyong Duterte.

Ang pahayag ay tugon ni Drilon sa pag-amin ni vaccine czar Carlito Galvez na matapos ideklara ni Pangulong Duterte ang unang lockdown ay nakipag-ugnayan sila ni Lao kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian upang ‘maituro’ sila sa manufacturer ng medical supplies sa China.

Kinompirma rin ni Galvez na tinawagan nila ni Lao si Michael Yang, ang dating economic adviser ni Pangulong Duterte, upang makabili ng medical supplies.

“Bakit hindi government to government? Bakit naging middleman ang Pharmally? Kailangan ba may middleman,” tanong ni Drilon kay Galvez.

Naniniwala si Drilon na may bagong ‘variant’ ng korupsiyon na laganap sa burukrasya na tinawag niyang “planned plunder” dahil mabilis na nagpaparami o nagmu-mutate ang virus gaya ng CoVid-19.

Lalo aniyang magpupursigi ang Senado sa imbestigasyon upang matuklasan ang iba’t ibang iskema ng korupsiyon sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na hindi kayang pigilan ang Senado sa pag-iimbestiga.

Hindi pa man natatapos ang Senate probe sa Pharmally, idinekalara kagabi ni Pangulong Duterte na walang overpriced sa nasungkit na P8.7 bilyong medical supplies contract ng kompanya.

Nauna rito’y inamin ng Pangulo na “pagador’ ng Pharmally si Yang.

Para kay dating Sen. Serge Osmeña, dapat imbestigahan din ng Senado si Sen. Christopher “Bong” Go sa isyu.

“Whether he is a senator or not, they should investigate Bong Go. I don’t think he is a senator, he is the caregiver of Rodrigo Duterte,” ani Osmeña.

Matatandaang isiniwalat ni Sen. Richard Gordon na pawang mga naging tauhan ni Go ang mga presidential appointees na nadawit sa isyu ng Pharmally. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …