Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willy Sy-Alvarado, Daniel Fernando
Willy Sy-Alvarado, Daniel Fernando

Alvarado vs Fernando sa gubernatorial seat sa May 2022 elections (Dating magkakalaban sa Bulacan, nagkampihan)

OPISYAL na ang tambalan nina Vice Governor Wilhelmino “Willy” Sy-Alvarado at Jonjon Mendoza upang pangunahan ang PDP-LABAN Bulacan bilang gobernador at bise-gobernador sa darating na Mayo 2022 eleksiyon.

Ginawa ang anunsiyo nitong Miyerkoles, 1 Setyembre, sa pagpupulong nina Bokal Anjo Mendoza, Bokal Michael Fermin, Congressman Jonathan Alvarado, Usec. Doneng Marcos, at dating Malolos City Mayor Christian Natividad.

Noong nakaraang Hulyo, nauna nang nag-anunsiyo ang kasalukuyang gobernador ng Bulacan na si Daniel Fernando ng muli niyang pagtakbo sa May 2022 elections sa pagka-gobernandor ng lalawigan.

Sinasabing ang kanyang magiging bise-gobernador ay si Bokal Alex Castro ngunit sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na pahayag kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhin sa 2022.

Marami ang hindi maiwasang mag-isip sa posibleng tambalang Fernando-Castro sa 2022 dahil sa madalas nilang paglilibot nang magkasama sa buong lalawigan ng Bulacan.

Sina Fernando at Alvarado ay dating magkakampi sa National Unity Party (NUP) noong 2019 national elections kung saan sila ang nanalo para pamunuan ang lalawigan.

Sa halalan ring ito naglaban sa vice-gubernatorial race sina Alvarado at ang kapatid ni Jonjon Mendoza na si Anjo Mendoza.

Kumandidato si Jonjon Mendoza bilang congressman sa 3rd District ng Bulacan ngunit tinalo siya ni Congw. Lorna Silverio na kaalyado noon sa NUP ni Alvarado.

Napag-alamang nasa panig na rin nina Alvarado at Mendoza ang tinaguriang “Agila ng Bulacan”  na si ex-Mayor Christian Natividad na sinasabing sasabak muli bilang alkalde sa lungsod ng Malolos.

Maraming Bulakenyo ang nagsasabi na magiging kaabang-abang ang magiging halalan sa Mayo 2022 sa Bulacan sapagkat ito ay tunggalian ng dating magkakampi at dating magkakalaban sa politika. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …