Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LJ sinubukang isalba ang relasyon kay Paolo — tinanong ko siya ‘if you want to take us back, pero hindi na raw

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MARAMI ang bumilib na netizens kay LJ Reyes dahil sa kabila ng sama ng loob na humantong na sa galit ay wala pa rin siyang sinabing masama tungkol sa dati niyang karelasyon ng anim na taon at ama ng bunso niyang anak na si Summer, si Paolo Contis.

Sa panayam ni LJ kay Boy Abunda para sa YouTube channel nitong The Boy Abunda Talk Channel na habang isinusulat namin ito ay mayroon ng mahigit ng 2M views and still counting ay ilang beses tinanong ng host kung may 3rd party sa hiwalayan nila ni Paolo pero walang diretsong sagot ang aktres.

Sa bawat tanong ni Kuya Boy ay natatagalang sumagot ang mommy nina Aki at Summer dahil iniisip nito ang tamang salitang papakawalan niya na hindi niya pagsisihan pagdating ng araw dahil tiyak na mababasa ito ng mga bata sa social media.

Inamin ni LJ na hindi mutual ang paghihiwalay nila ng aktor dahil noong subukang isalba ang relasyon nila bilang pamilya ay tumanggi na si Paolo kaya dinisisyonan na rin nitong umalis para makapagsimula ulit silang mag-iina.

“Umabot sa point na nag-break na po kami. After a few days, na-realize ko na ‘di puwede ang ganito. Nagbaba ako ng pride kahit ako ‘yung nasasaktan. Inisip ko baka kailangan nila (mga anak) ng complete family. Tinanong ko siya (Paolo), ‘if you want to take us back.’ Pero hindi na raw,” emosyonal na sabi ni LJ.

Nauna nang sinabi ni LJ na kung hindi malakas ang kapit niya sa Panginoong Diyos ay hindi niya alam kung saan na siya dadamputin.

“It was so difficult it was so painful! Kung hindi malakas ang pananampalataya ko sa Panginoon hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”

Sa mahigit isang oras na pag-uusap nina Kuya Boy at LJ ay ipinagdiinan ng huli na ang welfare ng mga anak ang concerned niya kaya sila umalis ng Pilipinas.

“Kailangan ko po ilayo ang mga bata kasi kailangan po na maprotektahan ko sila, magkaroon kami ng healthy and safe environment. Para po sa mga bata ‘yun. Not just for me. Ako po, kaya ko po ‘yun eh,” esplika ng aktres.

Sabi pa ni LJ, “Ikinuwento ko po sa kanya (Aki) ang mga dahilan kung bakit nangyari ang lahat at sinabi ko sa kanya na ‘I’m sorry for everything. I wanted a complete family for you and Summer.’ Tapos Tito Boy kinat niya ako roon. Ang sabi niya, ‘you complete us mom!’

“Grabe po ‘yung kirot sa puso ko at na-touch po ako sa bata, sobra, napaka-sweet po na bata ni Aki talaga at ‘yun po ang pinoprotektahan ko.”

Tinanong ni Kuya Boy kung sinasaktan ni Paolo ang mga anak nila, “physically hindi po.”

At bago magtapos ay muling tinanong kay LJ kung may 3rd party, “I think po, maraming makasasagot niyan kahit hindi po ako sumagot.”

May kinalaman ba sa pera ang paghihiwalay nina LJ at Paolo? “Priority ko po ang welfare ng mga bata.”

Sa kasalukuyan ay nasa poder ng nanay niya si LJ sa New York City, USA at walang binanggit kung hanggang kailan sila mananatili ng mga bata roon. 

Samantala, binasa namin ang mga komento ng tao tungkol sa panayam na ito kay LJ at halos lahat ay nakikisimpatiya sa kanya at bumilib dahil hanggang sa huling sandali ay pinagtatakpan pa rin niya ang ama ng anak.

Pinuri si LJ ni @sabsamros“Judging from LJ’s interview yesterday, I applaud her for not saying anything against Paolo despite the pain she’s going through. My God! Can we stop romanticizing cheaters!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …