Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres
Andrea Torres

Kabutihan at mapagmahal sa pamilya ni Andrea pinuri

Rated R
ni Rommel Gonzales

NAPURI si Andrea Torres ng headwriter ng Legal Wives na si Suzette Doctolero.

Sa kanyang Facebook post kamakailan, sinabi ni Suzette na fan na siya ngayon ni Andrea, lalo pa at personal niyang nakita ang mahusay na work ethic nito at ang pagiging propesyonal.

“Napanood ko na ng dalawang beses ang episode ng ‘Legal Wives’ kagabi. Ang pagkikita ng dalawang misis. Naging fan ako bigla ni Andrea Torres dahil sa ‘LW.’

“Ang sarap panoorin ng nuances na ibinibigay niya sa role. Hindi lang siya magaling na artista, napakabuting babae pa.

“Sa loob ng apat na lock in taping (na kasama ako, isa ang hindi) ay naobserbahan ko siya: always smiling at palabati sa lahat (may katungkulan man o wala), kapag rest day ay nagbabasa ng libro, pili ang salita pero may laman, dumarating rin sa set na kabisado na ang linya.

“Nakakuwentuhan ko rin nang ilang beses kaya alam ko kung gaano niya kamahal ang pamilya niya. Masunurin din sa magulang, generous na ate. Pinalaking may strong sense of values. May sense kausap at malalim.”

Dagdag pang post ni Suzette. ”Yes, hindi lang siya katawan. May puso, talino at husay ang babae!”

Gumaganap si Andrea sa Legal Wives bilang si Diane na isa sa tatlong asawa ni Ismael (Dennis Trillo). Ang dalawa pang legal wives ay sina Alice Dixson at Bianca Umali.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …