Kylie Padilla, Andrea Torres, Betcin

Kylie nakatulong ang trabaho para maka-move-on

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA na ngayon si Kylie Padilla sa kanyang buhay at mukhang naka-move-on na sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

Ayon kay Kylie, nakatulong sa kanyang madaling pagmo-move-on ang  bagong proyekto, ang LGBTQ film na Betcin together with Andrea Torres na hatid ng Rein Entertainment.

Ginagampanan ni Kylie ang role ng isang tomboy at karelasyon si Andrea na may kissing at bed scene sila.

Miss na ni Kylie ang bumalik sa paggawa ng teleserye kaya lamang ay takot siya sa lock-in taping na umaabot ng isang buwan dahil maiiwan niya ang kanyang mga anak at mami-miss niya ang mga ito.