Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lloyd Christopher Lao
Lloyd Christopher Lao

HDO vs Lao inihirit ng senado (Planong tumakas)

NAIS ng Senado na maglabas ng hold departure order (HDO) laban kay dating Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao matapos makatanggap ng ulat na nagtangkang lumabas ng bansa sa gitna ng imbestigasyon sa overpriced medical supplies na kanyang kinasasangkutan.

Sa panayam sa Dobol B TV, sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na inabisohan siya ni Sen. Franklin Drilon na nakakuha ng visa si Lao at nakatakdang umalis ng bansa.

“Ang report paalis na raw talaga. Mayroon ng visa sa ibang bansa,” ani Gordon.

“So, sabi ko kaninang madaling araw, kahit doon sa text ko kay Senate President [Vicente Sotto III], tulad ng sinabi ko na we may have to anticipate this. So, baka kailangan ng hold departure order para rito sa mga parties involved dahil kapag nakaalis ‘yan e wala na,” dagdag niya.

Sumang-ayon umano sa kanyang suhestiyon si Sotto.

“Sabi ni Sotto ‘Okay. Good!’ sabi niyang ganoon,” ani Gordon.

Gusto aniya ni Sen. Panfilo “ping” Lacson na dalhin sa Senado si Lao.

Nauna rito’y kinompirma ni Gordon ang kahandaan ng mga senador na personal na dumalo sa pagdinig sa Senado kaugnay sa P8.7 bilyong overpriced medical supplies na inaprobahan ni Lao para sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Nais malaman ng mga senador kung sino ang nag-utos kay Lao na ibigay ang mga kontrata sa Pharmally, gayong Setyembre 2019 lamang itinatag ang kompanya na may paid capital na P625,000 at walang karanasan sa medical supplies.

Imbes suportahan ang Senate probe, binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte at nanawagan sa publiko na huwag paniwalaan ang imbestigasyon. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …