Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binata nag-videocall sa GF bago nagbigti

TINAWAGAN muna ng 21-anyos lalaki ang kanyang kasintahan sa pamamagitan ng video call at nagpaalam bago nagbigti sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng madaling araw. 

Ang biktima ay kinilalang si Axel John De Leon, 21, binata, aircon technician, at residente sa Military Road, Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 12:30 am, kahapon, 1 Setyembre, nang madiskubre ang nakabigting katawan ng biktima sa loob ng kaniyang silid.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Angel T. Pascasio III ng CIDU, bago magbigti ang biktima ay kinontak muna umano ang kaniyang nobya at nakausap sa pamamagitan ng video call saka nagpaalam.

Dahil dito ay agad nag-text ang nobya sa ina ng nobyo na kinilalang si Aling Joyce, at sinabing puntahan ang anak na si Axel dahil nagbanta itong magpakamatay.

Agad pinuntahan ni Aling Joyce ang anak sa silid nito pero huli na ang lahat dahil bumungad na sa kaniya ang nakabigting katawan sa loob ng kuwarto, gamit ang plastik na hose na ipinulupot sa leeg.

Humingi ng saklolo si Aling Joyce sa mister at pinagtulungang ibaba ang kanilang anak saka isinugod sa Gen. Malvar Hospital nngunit idineklarang patay ni Dr. Niño Daffon.

Nabatid, huling nakitang buhay ang biktima ng kaniyang ina, na umiinom ng alak dakong 11:30 pm nitong Martes. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …