Saturday , November 16 2024
Ping Lacson, Bong Go, Rodrigo Duterte
Ping Lacson, Bong Go, Rodrigo Duterte

Duterte-Go ‘joint’ bank account sinilip (Ping nanggigil)

IPINAHIWATIG ni Sen. Panfilo Lacson na may minamantinang ‘joint bank account’ sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Christopher “Bong” Go.

Buwelta ito ng senador matapos batikusin ni Pangulong Duterte ang mga senador na nag-iimbestiga sa Commission on Audit (COA) report sa pagbibigay ng Department of Health (DOH) ng P42-bilyon sa Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) at P8.6-bilyong overpriced medical supplies sa Pharmally Pharmaceuticals Corporation.

Sa kanyang pre-recorded Talk to the People kahapon ay ginawang ‘pulutan’ ni Pangulong Duterte sina senators Lacson, Richard Gordon, at Imee Marcos at nanawagan sa publiko na huwag paniwalaan ang Senate investigation at huwag iboto ang mga senador na kalahok dito.

Ani Lacson, nagpa-panic na si Pangulong Duterte kaya kung ano-ano ang sinasabi upang pagtakpan o ilihis ang atensiyon ng publiko sa Senate probe sa Pharmally.

Hindi rin niya alam kung ano ang tinutukoy ng Pangulo hinggil sa kanyang hairstyle dahil ‘wala naman nagbago sa paraan ng kanyang pagsusuklay bago pa tinakasan ng katinuan ang Punong Ehekutibo.’

“I don’t know what President Duterte is talking about when he commented on my hairstyle. I haven’t changed the way I comb my hair, since long before he had lost his mind,” aniya.

Ang mga pang-iinsulto sa mga senador ng Pangulo ay ebidensiya na iisa ang likaw ng bituka ng Punong Ehekutibo at ni Go kaya’t may ‘posibilidad’ na may joint bank account silang dalawa, anang Senador.

“But his insulting rebuke only shows that he and Sen. Bong Go are one and the same, for better or for worse, in sickness and in health. They even probably have a joint bank account,” sabi ni Lacson.

Sa kanyang press briefing kahapon, sinabi ni Gordon na kaya nag-react si Pangulong Duterte laban sa mga senador ay bunsod ng mga pahayag nila na aabot sa Punong Ehekutibo ang pagsisiyasat ng Senado.

Kinuwestiyon ni Gordon kung may itinatago si Pangulong Duterte kaya tinatakpan ang mga mata sa mga nabisto ng COA at Senado na maling paggasta sa P42 bilyong CoVid-19 funds.

“Ano bang itinatago ninyo na huwag dapat pakinggan? Hindi ko maintinidihan ang Presidente natin, sabi niya against corruption siya?”

Nagtaka rin si Gordon na ang COA at Senado ang sinisita ni Pangulong Duterte habang tahimik ang Malacañang sa isyu ng Pharmally.

Ang kautusan aniya ng Pangulo na huwag dumalo ang mga opisyal ng gobyerno na iimbitahang resource persons ng Senado ay nagpapakita na may itinatago kaya’t posibleng lumaki pa lalo ang imbestigasyon.

Bilang chairman, aniya,, ng Senate Health Committee ay walang ginawa si Go sa isyu ng COA report sa dispalinghadong paggasta sa P42-bilyong pandemic funds at sa P8.6-bilyong overpriced medical supplies ng Pharmally.

Maaari aniyang isalang sa Ethics Committee ng Senado si Go dahil sa usapin.

Muling inungkat ni Gordon ang report na natanggap niya kay dating police Col. Eduardo Acierto na sangkot sa drug trafficking ang dating economic adviser ni Duterte na si Michael Yang.

Kung may katotohanan aniya na sabit sa illegal drugs si Yang ay may posibilidad na drug money ang ginagamit niya sa pagnenegosyo sa bansa at dapat busisiin ito ng Anti Money Laundering Council (AMLC).

Aminado ang Pangulo na si Yang ang nagsilbing pagador ng Phramally kaya nasungkit ang P8.6-bilyong kontrata sa medical supplies mula sa PS-DBM.

Ipinagtanggol din ng Pangulo si Yang at dating PS-DBM chief Lloyd Christopher Lao, pawang nasa sentro ng imbestigasyon ng Senado.

Maikli ang naging sagot ni Sen. Imee Marcos sa banat sa kanya ng Pangulo na laro lang niya ang pagbatikos sa Pharmally dahil gusto niyang maging bise-presidente kapag natuloy sa presidential bid si Davao City Mayor Sara Duterte.

“Gano’n? Na-promote ako?” anang senadora. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *