SUSPENDIDO simula kahapon, 31 Agosto hanggang 3 Setyembre ang operasyon ang isang sangay ng consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Metro Manila bunsod ng close contact ng ilang empleyado sa ilang indibidwal na nagpositibo sa CoVid-19.
Ang DFA Consular Office (CO) NCR East branch, matatagpuan sa SM Megamall sa Mandaluyong City ay pansamantalang nagsara para sa kaligtasan ng mga empleyado at publiko.
Nabatid na nagkaroon ng close contact ang ilang kawani ng DFA sa ilang napositibo sa CoVid-19.
Agad ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases na magsagawa ng self quarantine ang mga empleyado.
Nabatid, ang mga maaapektohang aplikante ay makatatanggap ng email para sa alternative passport appointment schedule.
Hiningi ng DFA ang pang-unawa ng publiko sa kanilang naging aksiyon para maiwasan ang pagkalat ng virus. (JAJA GARCIA)