Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Getafe, Bohol, LandSlide
Getafe, Bohol, LandSlide

Sa Bohol
Pamilyang trabahador nasagip mula sa gumuhong quarry site

NAILIGTAS ng mga nagrespondeng awtoridad ang tatlong magkakapamilyang trabahador sa isang quarry site nang magkaroon ng landslide sa Brgy. San Jose, bayan ng Getafe, lalawigan ng Bohol, nitong Lunes, 30 Agosto.

Kinilala ang mga biktimang sina Franco Torremocha, 46 anyos; kinakasamang si Elizabeth Cuajao, 32 anyos; at kanilang anak na limang taong gulang.

Ayon kay P/Cpl. Rowel Botero, imbestigador ng Getafe MPS, nabatid na ang mag-asawa, kasama ang kanilang batang anak, ay nagtitipon ng limestone sa lugar nang biglang gumuho ang lupa dakong 2:50 pm, kamakalawa.

Dinala ang tatlong biktima sa President Carlos P. Garcia Memorial Hospital sa bayan ng Talibon para lapatan ng lunas ang mga sugat na nakuha sa pagguho ng lupa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …