I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGBABAK-BAKAN ngayon sina Joel Lamangan at Darryl Yap bilang mga pandemic director, huh!
Sina Lamangan at Yap ang naglalaban sa paramihan ng pelikulang ginagawa ngayong pandemya kung pagbabasehan ang track record nila.
Eh ang balita namin, 9th movie na ni Yap sa Viva Films ang 69 + 1. Bida rito sina Janno Gibbs, Rose Van Ginkel, at Maui Taylor na simula na ang streaming sa Vivamax sa September 3.
Pompiyangan plus one sina Janno, Rose Van, at Maui sa pelikula. Nakakikiliti na ang kuwento nito sa trailer pa lang lalo na nang magsalita ang isa sa girls ng, ”Oo, puwede mo kami kantu___ nang sabay!” Nakakaloka, huh!
Ilan sa ginawang movies ni Yap ay ang Revirginized ni Sharon Cuneta at ang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar at ang Babaeng Walang Pakiramdam.
Sino ang bet mong maging tawaging pandemic director, Ms. Ed? Lamangan o Yap?