Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
rape

Delivery man, construction worker arestado sa pangre-rape ng vendor

DINAKIP ang isang delivery man at kasabwat na construction worker na nagsilbing ‘lookout’ habang pinagsasa­mantalahan ng una ang 20-anyos dalagang vendor sa Brgy. Central, Quezon City, nitong Sabado ng madaling araw.

Ang mga suspek ay kinilalang sina John Michael Del Rosario, 30 anyoss, walang asawa, delivery man, at residente sa No. 1 BFD Compound, Brgy. Central, Quezon City, at kasabwat na si Vinirando Sajor, alyas Tata, 35 anyos, walang asawa, construction worker, at naninirahan sa No. 107 Everlasting St., Brgy. Central, Quezon City.

Sa report ng Kamuning Police Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 12:31 am nitong 28 Agosto, nang maganap ang insidente sa ikalawang palapag ng tahanan ni Sajor sa Brgy, Central, sa nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Anna Marie Tuliao ng Women and Children Protection Desk ng Quezon City Police District Kamuning Police Station (QCPD PS10), natutulog ang biktimang itinago sa pangalang Nene nang magising dahil sa paghaplos ni Del Rosario sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan.

Nang magising ang biktima ay puwersahang hinubaran ito ng damit pang-itaas ng suspek saka pinaghahalikan habang nilalamas ang dibdib nito.

Sa takot ay naitulak ng vendor si Del Rosario at tumakbo pababa ng bahay at laking gulat niya nang makita si Sajor sa ilalim ng hagdan na umano’y tila sinisilip at nakabantay sa ginawang panghahalay sa kaniya ng delivery man.

Agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang vendor at inireklamo ang mga suspek na agad namang naaresto.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 8353 (Rape) laban sa suspek at sa kasabwat nito. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …