Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo, Derek Ramsay
Bea Alonzo, Derek Ramsay

Derek excited na matuloy ang dinner date nila ni Bea

MA at PA
ni Rommel Placente

NATAWA si Derek Ramsay nangmatanong ng Pep.ph  sa pagkaka-link nila ni Bea Alonzo noon, na umano’y nagpakasal pa sila ng lihim.

Nagtataka ang aktor kung saan nagmula ang isyung iyon.

Sabi ni Derek, “Hindi ko nga alam kung saan galing ‘yun, lahat na lang yata ginagawan ng issue. Nabuntis ko si Pops (Fernandez). Lahat ng paninira ginawa sa akin, pero tahimik lang tayo.

“One of them is pinakasalan ko si Bea. Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yun. Kasi last time na nakita ko si Bea was sa after-party yata namin doon sa ‘Kasal.’’Yun ang issue, pinakasalan ko si Bea.”

Ang Kasal ay ang pelikulang ginawa nina Derek at Bea noong 2018. Nakasama nila rito si Paulo Avelino

Sa ngayon ay pareho nang masaya ang dalawa sa kanila-kanilang karelasyon. Si Bea, sa piling ni Dominic Roque at si Derek naman ay ikakasal ngayong taon sa fiancée niyang si Ellen Adarna

Noong gawin nina Bea at Derek ang Kasal ay naging magkaibigan sila. After niyon ay tuloy-tuloy pa rin ang communication nila. In fact, nagplano nga silang mag-dinner para muling magkita. Pero hindi ito matuloy-tuloy. 

“May dinner na matagal na naming pinaplano. Noong nag-uusap pa kami wala pa siyang boyfriend.

“Ayun, excited ako. Well, na-meet ko na si Dom (Dominic Roque). Nakatrabaho ko na ‘yan way back. Baguhan pa lang ako, kasabayan ko na si Dom.

“I’m looking forward to meeting Bea and Dom. Sana matuloy ‘yung dinner na pinaplano namin na sobrang tagal na.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …