Saturday , November 2 2024

Ginang nagsilang sa tulong ng MMDA vaccination team

MAKATI CITY, METRO MANILA — Matagumnpay na nagsilang ang misis ng isang tricycle driver sa tulong ng mga miyembro ng vaccination team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) habang ang ginang ay naroroon sa vaccination facility ng MMDA sa headquarters ng ahensiya sa Makati City.

Ayon sa mga tauhan ng MMDA, dumulog ang asawa ng ginang sa kanilang pasilidad dakong 5:00 pm nitong Lunes, Agosto 23, para humingi ng tulong sa kanyang 26-anyos na misis na nakararanas ng labor pain, indikasyon na malapit na siyang magsilang.

Agad nagresponde ang MMDA vaccination team sa situwasyon at dagliang naghanda ng makeshift delivery table habang tumawag ng ambulansiya. Dangan nga lang ay natagalan ang pagdating ng ambulansiya at makalipas ang 14 minuto ay nagsilang na ang babae ng malusog na sanggol na babae.

Sinabi ng team na nasa mabuting kalagayan ang mag-ina at dinala sila sa kalapit na ospital para sa pangangasiwa ng mga doktor.

Ayon sa ama ng sanggol, nagpunta sila ng kanyang misis sa lying-in clinic malapit sa Guadalupe Church ngnunit tinanggihan sila dahil sarado pa ang pasilidad nito. Kalaunan ay nagpunta sila sa Guadalupe Nuevo barangay hall ngunit pinaghintay hanggang sa nagdesisyon nilang dumulog sa MMDA.

Pinuri ni MMDA chairman Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., ang mga miyembro ng kanyang vaccination team na tumulong sa mag-asawa at binigyang halaga ang tungkulin at tulong na naibibigay ng mga medical frontliners sa gitna ng pandemya ngayon.

“I commend the members of our vaccination team who responded to the appeal of this couple to help them and went beyond their call of duty,” wika ni Abalos, na isa rin abogado at dating alkalde ng lungsod ng Mandaluyong.

“In these trying times, we are very much grateful for all the work done by our frontliners and vaccination team. They don’t just vaccinate but they are also ready and willing to help those who need immediate medical attention,” dagdag ni Abalos.

Idiniin ni Abalos, ang tunay na mga bayani ngayon ay ang frontline workers na siyang humaharap sa mga nangangailangan  sa kabila ng banta ng CoVid-19.

“I appreciate all your hard work and sacrifices. You are indeed the true heroes in this pandemic,” aniya sa personnel ng MMDA.

Napagalaman, ang mga tumulong sa panganganak ng ginang ay nagmula sa Road Emergency Group ng MMDA. (TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *