Thursday , November 21 2024

Roque sa PhilHealth: Utang sa ospital bayaran, tiwali sibakin

Hataw Frontpage Roque sa PhilHealth Utang sa ospital bayaran, tiwali sibakin
Hataw Frontpage Roque sa PhilHealth Utang sa ospital bayaran, tiwali sibakin

ni  ROSE NOVENARIO

NANAWAGAN si Presidential Spokesman Harry Roque sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na kagyat bayaran ang bilyones na utang sa mga pribadong ospital at linisin ang kanilang hanay sa korupsiyon.

Ang pahayag ay tugon sa banta ng mga pribadong ospital na putulin ang ugnayan sa PhilHealth sa susunod na taon bunsod ng pagtanggi ng state-run insurer na bayaran ang claims ng mga pagamutan at healthcare institutions na iniimbestigahan pa.

“Ang panawagan ko sa PhilHealth, magbayad kayo. Hindi po ito tungkol sa kakulangan ng pondo,” sabi ni Roque.

Ani Roque, batay sa Universal Healthcare law, ang gobyerno sa pamamagitan ng PhilHealth ang bibili ng serbisyo at medical goods kaya’t ang pagkaantala sa pagbabayad ng state-run insurer sa mga obligasyon sa mga pribadong ospital ay magdudulot ng prehuwisyo sa implementasyon ng batas.

Magkakaron aniya ng malaking problema sa healthcare system ang bansa sa panahon ng pandemya dahil sa nasabing isyu dahil 70% ng mga ospital sa Filipinas ay pribado at hindi kakayanin ng mga pampublikong pagamutan na ipagkaloob ang lahat serbisyong medical sa mga mamamayan.

“Yes, there are anomalous hospital claims, but these claims should be put on trial. Fictitious claims should not result in blacklisting of the hospital. Government hospitals won’t be enough to take care of our people, especially in the middle of a pandemic,” aniya.

“PhilHealth should cooperate with private hospitals and pay up as soon as possible,” dagdag niya.

Kinuwestiyon ni Roque si PhilHealth chief Dante Gierran sa pagkabigong sibakin at kasuhan ang mga tiwaling opisyal ng ahensiya na sangkot sa pagbabayad sa maanomalyang hospital claims na umabot sa P15 bilyon.

“Iisa pa lang ang natatanggal sa PhilHealth dahil sa mga anomalya, nag-resign pa? Ang ibig mo bang sabihin, lahat ng mga anomalya sa nakalipas e naririyan pa rin ang lahat ng mga taong responsable pa riyan at ni isang tao sa PhilHealth, hindi dapat sibakin? Hindi po kapani-paniwala iyan,” ani Roque patungkol kay Gierran.

Si Roque bilang dating partylist representative ang isa sa mga nag-akda ng UHC law noong 17th Congress.

About hataw tabloid

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *