Thursday , December 19 2024
Dennis Uy, Rodrigo Duterte
Dennis Uy, Rodrigo Duterte

P1.6-B Comelec contract ng Duterte crony sa 2022 polls, busisiin

IPINABUBUSISI ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sheriff Abas ang pagkakasungkit ng Duterte crony sa P1.6- bilyon kontrata sa poll body para sa pagbibiyahe ng 2022 election paraphernalia.

Ang naturang kontrata ang ikatlong election year project na nakorner ni Dennis Uy, Davao businessman at Duterte campaign donor, una ay noong 2016 at ikalawa ay noong 2019.

        Umasta si Abas na hindi alam na si Uy ang may-ari ng F2 Logistics na nanalo sa P1.6 bilyon poll body contract.

“Sabi ko nga roon sa aming Special BAC (Bids and Awards Committee), tingnan ninyo ‘yan kasi mainam din na maklaro natin. Pero sa initial na alam ko, hindi F2 but 2Go ‘yung kanyang (Uy) ownership,” sabi ni Abas sa isang virtual media briefing kahapon.

Batay sa Chelsea Logistics Holdings 2020 annual report, nakasaad na si Uy ang chairman ng F2 Logistics habang ang kanyang asawa na si Cherylyn ang corporate treasurer at ang kanyang kapatid na si Efren Uy ang president at CEO.

Base sa isinumiteng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE)  sa Comelec, si Uy ay nagbigay ng P30 milyon sa campaign kitty ni Duterte noong 2016 presidential elections at ang kapatid na si Efren naman ay nag-ambag ng P3.5 milyon.

Inilinaw ni Abas na hindi pa naipagkakaloob ng Comelec ang logistics contract sa F2 dahil isinasagawa pa umano ang final review.

“Kapag sa post-qualification, that could be one of the (bases of) disqualification so madi-DQ siya. But I don’t think so na may ganoong requirements. Pangalawa, hindi naman automatic ‘yan na dahil contributor siya equalified (bidder) na siya,” sabi ni Abas.

“Alam naman natin na karamihan ng mga negosyanteng malalaki nagko-contribute naman ‘yan,” dagdag niya.

Sa ulat ng Bilyonaryo, ang 2Go ni Uy ang nakakuha ng logistics contract ng Comelec sa 2016 elections at ang kanyang F2 Logistics ang nakasungkit ng kontrata para sa deployment ng vote counting machines and ballots sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera Administrative Region, Zamboanga Peninsula, Nortern Mindanao, Davao Region, Socskargen, Caraga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Dalawang logistics company, ang Airfreight 2100 at LBC Express, ang namahala sa ibang bahagi ng bansa noong 2019 elections.

Nagpahayag ng pagkabahala kamakailan ang election Watchdog Kontra Daya sa pagbigay ng kontra sa F2 Logistics.

“Comelec should realize that awarding P1.6 billion to a publicly known Duterte crony is unacceptable, and making him responsible for an important election task is unconscionable,” ani Danilo Arao , Kontra Daya convenor, sa panayam sa ABS-CBN News.

Inihayag kamakailan ng PDP-Laban na balak isabak sa 2022 elections sina Sen. Christopher “Bong” Go bilang presidential bet at Pangulong Duterte bilang vice presidential bet habang ilang partido politikal ang nagtutulak kay Davao City Mayor Sara Duterte bilang presidential candidate. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth My Future You

My Future You ng FranSeth may puso, may ‘K’ ipagmalaki

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANALO sa ganda at tema ng istorya para sa amin …

Makapili Vlogger

Makabagong makapili, trolls, vloggers tinira ni Barbers

KINONDENA ng isang kongresista mula sa Mindanao ang tinagurian nitong “Makabagong Makapili” o mga Pinoy …

Mary Jane Veloso

OFW Mary Jane Veloso nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang napiit na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng 14 …

121924 Hataw Frontpage

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang …

Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *