Thursday , December 26 2024

Ang ugnayang Duterte-Uy

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

MAYROONG bulung-bulungan tungkol sa pagkakaloob ng Commission on Elections (Comelec) ng logistical contract para sa eleksiyon sa 9 Mayo 2022 sa kompanya na ang malaking bahagi ay kontrolado ng negosyanteng Davaoeño na si Dennis Uy.

Bagamat wala pang pinal sa transaksiyong ito, naroroon at umaalingasaw ang kawalan ng katiyakan, tulad ng lumang amoy ng halalang pampanguluhan. Simula 2016, nakukulapulan na ng malisya ang pagiging negosyante ni Mr. Uy at dumating pa nga sa puntong direkta nang iniuugnay kay Pangulong Duterte ang kanyang mga negosyo.

Ganito ang itinatakbo ng equation: habang lumalaki ang business empire ni Dennis Uy, tumatatag ang political dynasty ni Duterte. Hindi man sinasadya, nagkataon, o pinagplanuhan ang equation na ito, asahan nang mariin itong itatanggi ng magkabilang panig.

Wala na rin namang silbi pa ang kanilang pagtanggi, kung pakaiisipin na ang sunud-sunod na pamimili ng shares ng kompanya ni Uy ay nagbigay sa kanya ng kontrol sa mahigit 30 kompanya, mula sa telecoms hanggang sa shipping, real estate, gambling – at kahit ano pang maiisip ninyo! At nangyari ang lahat ng iyon simula nang si Duterte, na tumanggap ng napakalaking campaign donation mula kay Mr. Uy, ay naluklok sa kapangyarihan noong 2016.

Pero para sa mga taong tulad ko — tulad ng marami sa atin — gusto ko sanang mapatunayang mali ang equation na ito. Ang pinakamakapangyarihang solusyon sa thesis na ito ay ang halalang pampanguluhan sa susunod na taon, basta mapapanatili itong sagrado at malaya sa dayaan at manipulasyon.

In fairness naman kay Uy, ang kanyang kompanyang logistics ay mayroon nang matinong record sa maingat na pagbibiyahe ng mga kinakailangan sa eleksiyon, tulad ng paghahatid ng mga balota, vote-counting machines, transmission equipment, at iba pang devices.

Ginawa niya ito noong 2016 sa pamamagitan ng kompanya niyang 2GO (na kalaunan ay binili ng SM Group) kung saan nanalo si Duterte sa pagkapangulo, at muli noong 2019 katuwang ang F2 Logistics Phils, na chairman of the board si Mr. Uy, kung saan kinopo ng mga pambatong senador ni Duterte ang halos lahat ng 12 bakanteng puwesto sa Senado.

Minsan pa, walang aktuwal na patunay sa Duterte-Uy equation na ito bagamat nag-uumapaw sa makapangyarihan, o posibleng nakae-excite, na potion. Kaya naman todo-suporta ako sa resolusyong inihain ni Sen. Leila De Lima sa Senado para imbestigahan ang paggagawad ng Comelec ng isang kontrata sa F2 Logistics sa ikatlong pagkakataon.

Maaalala natin ang kasabihan: “Lokohin mo akong minsan, ikaw ang kahiya-hiya. Lokohin mo akong muli, ako na ang katawa-tawa.” Pero, siyempre pa, wala nang kasunod ito dahil wala naman sigurong nabibiktima ng parehong modus nang tatlong beses.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *