Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Tolentino, Madam Inutz Daisy Lopez
Wilbert Tolentino, Madam Inutz Daisy Lopez

Madam Inutz pumirma na ng kontrata kay Wilbert Tolentino

PUMIRMA si Madam Inutz (Daisy Lopez) ng kontrata kay Wilbert Tolentino, former Mr. Gay World titlist, businessman, social media influencer at philanthropist noong Huwebes (Agosto 19) ng gabi.

Dalawang taong ima-manage si Madam Inutz ni Wilbert.

Ang kontrata ay isinulat sa Filipino para lubos na maintindihan ni Daisy ang nilalaman kasabay na rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika.

Sa contract signing, kasama nila si Atty. Berteni Causing.

Walang kukuning komisyon sa lahat ng kikitain ni Madam Inutz si Wilbert pero ieendoso nito ang mga negosyo ng huli. Ang dating ginawa niya noon na pag-aalaga at treatment sa dati niyang mina-manage na si Mader Sitang ay siya ring gagawin niya kay Madam Inutz.

Inilatag na rin ni Wilbert ang plano niya kay Madam Inutz, gaya ng single, ang Inutil na komposisyon ni Ryan Soto. Bubuo sila ng album ng nasabing viral online seller.

Gagawing din siyang ambassador ng mga online seller.Tutulungan nila ang mga gustong maging online seller at kung paano ito magkaroon ng brand at owner.

Tumawag lang sa 09175inutil. Puwede rin silang mag-email at mag-message sa [email protected]. Look for Wilbert Tolentino. (Joe Cesar)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …