FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
ISINI-SHARE ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram story ang official statement ng Feelmaking Production tungkol sa pag-positibo ng boyfriend niyang si Arjo Atayde ng COVID-19 na kaagad bumaba ng Maynila para dumiretso sa ospital.
May ilang komento mula sa netizens na hindi tama ang ginawa ng aktor na iniwan ang mga kasama niya sa Baguio City base sa panayam kay Mayor Benjamin Magalong.
Nasambit pang tinolerate ni Maine ang ginawa ng katipan.
Sumagot ang #MaineGoals host, “Hello! I am not ‘tolerating’ him but there’s just so much you do not know about the story.”
Nabanggit pa na maipagtatanggol ni Arjo ang sarili sa tamang panahon.
Samantala, habang isinusulat namin ang balitang ito ay nakababa na ang buong staff and crew ng Feelmaking Productions at kasalukuyan silang nasa hotel quarantine.
Stress pagoda ng dulot ng paghina ng immune system marahil ni Arjo dahil na rin sa papalit-palit na klima sa Baguio.
Good thing bakunado na siya kaya hindi severe ang kalagayan niya ngayon tulad ng nangyari sa iba na hindi pa bakunado.
Agarang paggaling ang hangad ng HATAW sa iyo Arjo.