Sunday , December 22 2024
Cignal, We are Stronger, See Us Stronger
Cignal, We are Stronger, See Us Stronger

Cignal TV tuloy ang suporta sa mga Filipino Olympian sa pagtatapos ng Tokyo Olympics 2020

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NANGIBABAW ang Pinoy Pride sa pagtatapos ng Olympic Games Tokyo 2020 na nanguna ang Pilipinas bilang top Southeast Asian nation na nakakuha ng pinakamaraming medalya, kabilang ang isang bronze, dalawang silver, at ang kauna-unahang gold medal na napanalunan ng bansa sa buong kasaysayan ng Olympics.

Ipinagdiriwang ng Cignal TV, ang official broadcast partner ng Tokyo 2020 sa Pilipinas, ang makasaysayang Olympics sa bagong campaign na We are Stronger na nababagay na kasunod ng See Us Stronger theme sa matagumpay na coverage ng Tokyo Olympic Games.

 Bilang premier direct-to-home satellite pay TV provider ng Pilipinas, ang Cignal TV ay masigasig na sumusuporta sa mga atletang Filipino mula pa noong 2016 Rio Olympics, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinaka-komprehensibong TV coverage para sa mga manonood sa buong bansa. Ngayong taon, ang Cignal TV, kasama ang TV5, ay nagbigay din ng pinakamahusay na sports content sa pamamagitan ng front-row access sa Tokyo 2020 sa kanilang free-to-air, pay TV, at mga OTT platforms, at sa pamamagitan din ng kanilang partnership sa Smart at PLDT.

Kasama sina Gretchen Ho at Paolo Del Rosario na nag-cover ng live sa Tokyo, Japan, ang Cignal TV at TV5 ay nagbahagi rin ng mga eksklusibong sports highlights at interviews na nagdala ng kakaibang excitement para sa mga manonood.

“The Olympic Games Tokyo 2020 was a truly proud and defining experience for us Filipinos, and we are honored that Cignal and TV5, along with Smart and PLDT, helped bring the nation together in expressing our collective support for our athletes’ historic feat in their respective sports,” ani Robert P. Galang, Cignal TV and TV5 President and CEO.

Dagdag pa niya, “This historic event held in these extraordinary times garnered high TV ratings for the official broadcasters across traditional and digital viewing platforms. Viewers were able to catch the games on the go through Cignal Play, Cignal’s OTT Platform, while event highlights and updates got 90M views and reached 168M people on various social media channels.” 

Sa hindi malilimutang dalawang linggo na nagkaisa ang mga Filipino sa pagpalakpak at pagsuporta sa mga magigiting na manlalarong nagbuhos ng kanilang lakas at puso para magbigay karangalan sa Pilipinas, tunay na isinabuhay nila ang motto na “Citius, Altius, Fortius” — faster, higher, stronger.

“We remain committed to providing the best sports experience to our audiences across the country and overseas, through our multiple platforms. Now that ‘We Are Stronger’ after theOlympics games, the best is definitely yet to come,” pagtatapos ni Galang.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *