Tuesday , November 5 2024
Arjo Atayde, Benjamin Magalong
Arjo Atayde, Benjamin Magalong

Kampo ni Arjo nagsalita na sa umano’y paglabag sa protocol ng kanilang movie sa Baguio City

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ILANG oras pagkatapos kumalat sa social media ang video interview ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na may grupo ng mga artistang nagsu-shooting sa bayan niya ang nag-positibo sa COVID-19 at binanggit ang pangalang Mr. Atayde, kaagad ng naglabas ng official statement ang production ng aktor na Feelmaking Production na pinamamahalaan ni Ellen Criste.

Base sa post sa Instagram account ng Feelmaking Production.

“Arjo Atayde tested positive for COVID-19 as shooting for his new film culminated in Baguio last August 16. Arjo was suffering from high fever, headaches, and difficulty in breathing.

“It was the mutual decision of Feelmaking Productions Inc., Arjo’s parents, and doctors to rush the actor, who has a pre-existing medical condition, straight to a hospital in Manila on August 17.

“We have provided assistance for nine others who tested positive for COVID-19 but are asymptomatic and are currently in quarantine. We have likewise coordinated with the local officials for the necessary safety protocols.

“The Atayde family has reached out to Mayor Benjamin Magalong and we assure him and the people of Baguio that we will comply with our commitments to the City. We are grateful for the opportunity to shoot in their beautiful city and apologize for whatever inconvenience that this unfortunate incident may have caused.

“We request for prayers for the speedy recovery of Arjo and the nine who tested positive.”

Ang alam namin nakaramdam ng sintomas si Arjo kaya’t pinababa agad ito ng parents niya at pinadiretso sa ospital. Nakaramdam siya ng sintomas ng tulad ng sa kanyang ina, barado ang ilong at masakit ang katawan.

Abril 2020 parehong nagka-covid ang magulang ni Arjo, sina Papa Art Atayde at Sylvia Sanchez at malaking trauma ito sa kanilang pamilya kaya noong mabalitaang nakaramdam ng ganitong sintomas ang aktor ay dali-daling nag-desisyong paalisin ito ng Baguio base na rin sa nakalagay na ‘mutual decision’ sa official statement.

Hindi lang siguro naging maganda ang dating sa lahat ang terminong ‘tumakas’ dahil hindi naman ganito ang sitwasyon.

Iniwan ng aktor ang mga kasamahan niya sa Baguio dahil wala naman silang sintomas na tulad ng kay Arjo. Katunayan, pabalik na sila ng Maynila ngayon at diretso sila sa kanilang hotel quarantine.

Dalawang buwan ng nasa Baguio sina Arjo para sa shooting. Pang-international ang pelikulang ginagawa ng grupo ng actor at laging nahihinto ang shooting dahil laging umuulan sa Baguio.

Ang Feelmaking Production at Rein Entertainment nina Shugo Praico at Taguig City Mayor Lino Cayetano ang co-producer ni Arjo sa pelikula niya na idinidirehe naman ni Avel Sunpongco na nasa likod din sa iWant series na Bagman na napapanood ngayon sa Netflix.

Fully-vaccinated lahat ng kasama sa shooting at sumusunod sila sa health protocols na ipinatutupad ng IATF at ng Baguio LGU.

Sa kasalukuyan, nasa hospital ngayon si Arjo at maayos ang pakiramdam.

Mula sa HATAW, hangad namin ang agarang paggaling ni Arjo.

About Reggee Bonoan

Check Also

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *