Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Madam Inutz, Sir Wil Wilbert Tolentino
Madam Inutz, Sir Wil Wilbert Tolentino

Madam Inutz magpa-alaga na lang kay Sir Wil (nakatanggap na ng P200K)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAIIYAK na nagpaliwanag sa kanyang Facebook page si Daisy_licious Ukay para ipaliwanag kung bakit umalis siya sa Star Image Manager.

Esplika ni Madam Inutz, humingi siya ng payo sa kanyang mga kaibigan at pamilya sa biglaang desisyon. At kumonsulta rin siya ng abogado para maunawaan niya ang nilalaman ng kontrata. Dumadaan siya ngayon sa legal na paraan para mai-release siya ng talent management.

Sa nangyayaring ito kay Madam Inutz, may mga nagsasabi na magpahawak na lang ito sa dating Mr. Gay World titlist, sikat na businessman, social media infuencer, at philanthropist, si Wilbert Tolentino.

Kay Wilbert kasi’y tiyak na maalagaan siya at mapupunta siya sa mabuting kamay. Swak nga sila bilang manager at talent. Perfect ding manager si Wilbert dahil mapagkakatiwalaan.

“Hindi rin mag-aaway ‘yan sa pera dahil mayaman si Sir Wilbert. Hindi nila pag-uusapan ang komisyon,” anang isang malapit kina Madam Inutz at Sir Wilbert.

Sa kabilang banda, may collab ang dalawa sa Wilbert Tolentino Vlogs YouTube channel kasama si Harlene Hipon. May sorpresang handog si Wilbert na nagbigay na kaagad ng P200k sa mag-ina–P100K kay Madam Inutz at P100K sa ermat niya na may sakit.

Sobra-sobrang pasasalamat ni Madam Inutz sa kabutihang loob ni Wilbert.  Kaya nga nakaiiyak ang video naila, kaya silipin ito sa Surpresang Handog ni Sir Wil kay Madam Inutz with Herlene Hipon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …