I-FLEX
ni Jun Nardo
KINOMPIRMA ni Jennylyn Mercado na si Xian Lim ang next leading man niya sa Kapuso series na Love, Die, Repeat.
Nakalagay ang hashtag na #LoveDieRepeat sa latest Instagram post ni Jen after ng caption niyang, “Abangan,” sa separate picture nila ni Xian.
Sa isang separate post, makikita si Jen na dumalo sa isang storycon. Wala na siyang ibang detalye tungkol sa project.
First time ni Xian na gagawa ng Kapuso project pero nakalabas na siya sa TV special na ini-host ni Willie Revillame at inilabas sa GMA habang ‘yung hosting niya sa coronation night ng Miss Word PH na ilalabas din sa Kapuso network eh naka-hold muna dahil sa enhanced community quarantine.
Viva artistsi Xian kaya walang isyu ang paglabas niya sa isang series sa GMA.