I-FLEX
ni Jun Nardo
KASAMA sa bucket list ng kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi ang makasama sa project ang ama’t inang sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel.
Pero sa project with her mom, ayon kay Cassy, “Natatakot ako!”
Matapos gumawa ng series na First Yaya, si Mavvy naman ang nakatapos ng first leg ng una niyang GMA series na I Left My Heart in Sorsogon.
Sa kambal, sa tingin namin eh mas mana si Mavvy kay Zoren habang kay Carmina naman mana si Cassy.