Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Anthony Fernandez
Mark Anthony Fernandez

Pagpapa-sexy ni Mark Anthony late na

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG pagpapa-sexy kailangan nasa tamang timing din. Kung natatandaan ninyo, noong medyo bumababa na ang popularidad niyong Gwapings noong araw, at hindi na umuubra sa fans ang kanilang pagsasayaw at pagpapa-cute lamang, nagsimula nang magpa-sexy si Eric Fructuoso, at kinagat naman iyon ng fans dahil pogi, bagets, at
nagpa-sexy pa.
Tinalbugan naman iyon ni Jomari Yllana na mas naging daring hindi lamang sa kanyang mga pictorial kundi maski na sa mga ginawa niyang pelikula. Talagang matindi ang ginawa niyang pagpapa-sexy noon kaya halos walang nakalaban sa kanya. Noong panahong iyon, nagpaka-conservative si Mark Anthony Fernandez at hindi nakipagsabayan sa bold, kahit na nauna na ang dalawang Gwapings.

Aba, ngayon kung kailan 40 na siyang mahigit at saka pa siya sumabak sa pagsusuot ng underwear at tila iyon pa ang pinalalabas na come on sa kanyang come back movie. Eh sino nga ba ang manonood pa sa isang naka-underwear na tatay eh garapalan na nga ngayon ang ginagawa ng mga artistang lalaki sa kanilang mga internet movie. Mag-isip nga kayo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …