Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin, Julia Montes
Coco Martin, Julia Montes

Coco mabilis na sinaklolohan si Julia nang tumagilid ang motor na sinasakyan

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

KAAGAD na tumakbo si Coco Martin para alalayan si Julia Montes nang matumba dahil nawalan ng balanse sa motor habang nakahinto siya at naghihintay ng susunod na instructions.

Sa first taping day ni Julia para sa FPJ’s Ang Probinsyano sa Ilocos Sur nitong Sabado ay mabilis nitong binabagtas ang mahabang daan sakay ng malaking motor habang may nakasukbit sa likod nito.

Base sa video na napanood namin ng netizen na nasa likod ni Julia ay huminto ang dalaga at naka-angkla ang dalawa niyang paa nang matumba ang motor dahil sa sobrang bigat nito pero kaagad naman siyang nakatayo habang nagtatakbo si Coco mula sa sasakyang nasa unahan para puntahan siya. 

Panay ang tanong ng aktor kung okay lang ang aktres na tumatango naman at sa bandang huli ay si Coco na ang sumakay sa motor para tumabi muna sila at hindi maging sanhi ng trapik.

Base rin sa video ay kinikilig ang kumuha sa CocoJuls at maging ang mga taong dumaraan ay napapahinto pagkakita kina Mr. and Mrs. Dalisay.

Ilang linggo na lang at lalabas na ang karakter ni Julia sa FPJ’s Ang Probinsyano mula sa Dreamscape Entertainment.

Naaliw kami sa isang komento, “extended ulit si ‘Probinsyano?’ Patatapusin muna niya ang Covid bago matapos?”

Ibig sabihin ay hangga’t may pandemya ay hindi muna tatapusin ang journey ni Cardo Dalisay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …