Friday , April 18 2025
Allan Paule
Allan Paule

Allan walang maliit o malaking role

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

NAGSIMULA noong Agosto 13, 2021 sa ktx.ph na matunghayan ang isa na namang BL na pelikula.

Sa ilalim ng Blankpages Productions ni Arlyn dela Cruz na siya ring nagdirehe, ang Nang Dumating si Joey at Bong Diacosta, naiibang klase ng gay love ang ipamamalas sa mga katauhan nina Allan Paule at ng baguhang si Francis Grey (Mr. Pogi 2019).

Isa na namang mapaghamong papel pa rin ito para sa batikang aktor na si Allan. Na siyang magdadala ng hindi maipaliwanag na pagmamahal sa karakter ni Francis bilang si Joey.

Kaya ang tanong ko sa aktor na kung ilang panahon ko ng napanood sa sari-sari niyang portrayal bilang gay ay kung hindi niya ba ito napagsasawaan? O wala pa ba siyang balak na isampay na muna ang mga isinuot niyang katauhan at kagyat na kalimutan?

“Hindi ko naman iniisip na magiging stigma sa akin ito. Dahil tinatandaan ko ang ipinangaral sa akin noon ni Lino (Brocka) at laging ipinapaalala na walang maliit o malaking role. Kahit ano pa ‘yan, trabaho ‘yan na kailangang gawin. Kaya ako, kahit sabihin na mas madalas na gay roles ang natotoka sa akin, sa pag-aalaga ko naman sa aking craft, ginagampanan ko naman ang ibinibigay sa akin, ayon sa hinihingi na maging katauhan ko.”

Ang mala-Roderick Paulate na akting na nga lang siguro bilang isang makulay o maingay na gay ang hindi pa niya nagagawa.

“Pero gaya ng sabi ko, kakayanin kung ipagagawa. Rito sa ‘Nang Dumating si Joey,’ wala kang makikitang torrid kissing scenes sa amin ni Francis. Or wild lovemaking. Kasi, iba nga ‘yung iniikutan ng katauhang ginagampanan ko as Sandro o Sandra. Kaya, mauunawaan ang gusto nilang ipahiwatig para sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng mga pangungusap ng mga mata at iba pang nuances.

“Kung paano mapapamahal o mai-endear ang mga katauhan sa mga manonood eh, siyang sorpresang hatid ni Direk Arlyn sa mga mag-i-stream nito. Kung sa panahong ito eh, pagdududahan pa rin ang kasarian ko, ha ha ha mas maraming tao ang nakakikilala sa tunay na ako. Gaya mo!”

Kasama sa inabangan ng pelikula sina Isadora, Ernie Garcia, at Rash Juzen na kinunan ang kabuuan sa kasukalang mga lugar sa Olongapo.

About Pilar Mateo

Check Also

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine sinopla ang isang netizen

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang sagutin at patulan ni Nadine Lustre ang isang  netizen na nagkomento sa …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Holy Week Cross Semana Santa

Have a blessed Holy Week 

I-FLEXni Jun Nardo PAHINGA muna tayo Hataw readers ngayong Holy Thursday hanggang Saturday. Sa Sunday na eh …

Encantadia Chronicles Sanggre

Kakaibang special effects at cinematography ng Encantadia Chronicles, kapansin-pansin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TEASER ng Encantadia umabot ng 18M views in less than 24 hours. Bagong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *