Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Iza Calzado Darna Jane de Leon
Iza Calzado Darna Jane de Leon

Iza lilipad din bilang Darna

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INIHAYAG ni Iza Calzado na gaganap din siya bilang Darna sa nalalapit na ABS-CBN TV series na pagbibidahan ni Jane de Leon.

“Finally, I can claim to be part of the Pinoy superhero history! I almost had the chance in the past, but God had other plans. I was not meant to be that Darna but he surely prepared me to play this Darna. Everything always happens in His perfect time,” anang aktres na nagdiwang ng  kaarawan kahapon. Aug. 12

Bale si Iza ang unang mapapanood na Darna at ina ni Narda (Jane) sa inaabangang serye at siya ring magpapasa ng mahiwagang bato kay Narda.

Ibinahagi rin ng Kapamilya star na handa na siya mentally, physically, at emotionally na magampanan ang role na matagal niya ring hinintay.

Aniya, ”I’ve waited long for this. There have been changes in the cast and directors and as Direk Lauren (Dyogi) said, I am the constant.”

Sinabi pa ni Iza na mahalaga para sa kanya ang ‘heroic’ role ngayong panahon ng pandemya. ”At a time of great crisis, there has got to be a hero we can relate to—someone who brings out the best in us and a representation not only of our strong but loving and compassionate core.”

Ito rin ang napapanahong Darna para sa kanya. ”Ito ang Pandemic Darna para sa akin—she will tap and bring out the hero in all of us, despite the odds. Kahit walang ABS-CBN franchise.”

Magsisimula na ang taping ng Darna TV series sa susunod na buwan, pagkatapos ihayag ang pag-alis ni Jane sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano noong Hulyo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …