Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sue Ramirez Jodi Sta Maria Rachel Alejandro Zanjoe Marudo Franco Laurel
Sue Ramirez Jodi Sta Maria Rachel Alejandro Zanjoe Marudo Franco Laurel

Obra ng Pinoy fashion designers ibibida nina Jodi at Zanjoe sa The Broken Marriage Vow

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAABANG-ABANG ang ang mga likhang Pinoy na susuotin ng mga bida at gawa ng iba’t ibang local fashion designers sa The Broken Marriage Vow bukod pa sa matitinding eksena.

Ayon kay Connie Macatuno, direktor at costume design head ng teleserye, tiniyak nilang puro local designs ang lahat ng susuotin nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, at ng co-stars nila. Ito rin ang unang pagkakataong gagawin ito sa isang Pinoy teleserye.

Matagal ko nang inisip na makagawa ng isang palabas na gumagamit ng local designs from local designers. Una kong naisip agad, pagsama-samahin silang lahat. Most of the local designers will be there in showcasing their original work. It’s the thing that excited all of us,” ani  Direk Connie sa isang video na inilabas ng Dreamscape Entertainment noong Biyernes (Agosto 6).

Ipinakita rin sa video ang mga damit, sapatos, accessories, mga katutubong tela, at tradisyonal na Filipino clothes na ibibihis sa mga bida. Dagdag ni Direk Connie, nag-enjoy siya sa pagbubuo ng look at style ni Dra. Jill Ilustre, ang karakter ni Jodi at siya mismo ang pumipili ng susuotin ng cast members.

Sa pamamagitan ng pagsasama ng Pinoy at global brands sa serye, hangad ni Direk Connie na maitaguyod ang kultura at disenyong Pinoy sa buong mundo.

“We want to showcase our clothes, our roots, our culture in a different way. We get to wear the barong, the pinya on a daily basis. We get to wear the weaves of different places here in the Philippines, and showcase original works of different designers that have global appeal,” dagda pa ng director.

Susundan ng The Broken Marriage Vow ang kuwento ni Jill, isang babaeng biniyayaan ng isang masaya at kompletong pamilya. Dahan-dahan itong mawawasak sa oras na makutuban niyang niloloko siya ng asawang si David (Zanjoe) kasama ang mas batang kabit nitong si Lexy (Sue).

Ang The Broken Marriage Vow ang Pinoy adaptation ng hit BBC series na Doctor Foster. Gagawin ito sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment at ipalalabas sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …