Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Panggulo lang si Ping

SIPAT
ni Mat Vicencio

SA pangalawang pagkakataon, mangungulelat at tiyak sa basurahan na naman dadamputin si Senator Ping Lacson sa gagawin nitong muling pagsabak sa presidential elections sa susunod na taon.

Masasabing panggulo lamang itong si Ping at makabubuting ipaubaya na lamang niya sa iba pang presidential candidates ang pagbangga sa magiging kandidato ni Pangulong Rodrigo “Digong”  Duterte.

Sa rami ng kontrobersiyang kinasangkutan ni Ping, papaano kaya niya sasalagin ang mga bahong ipupukol sa kanya tulad na lamang ng Dacer-Corbito murder case at ang Kuratong Baleleng gang.

Bagamat nalusutan niya ang dalawang malaking kasong ito, tiyak na bubuhayin ng kanyang mga kalaban sa politika ang mga nasabing usapin at tuloy-tuloy na gagamiting pambala para gibain ang kandidatura ni Ping.

At sino rin ang makalilimot sa ginawang ‘pagtataray’ ni Ping sa mga biktima ng bagyong Yolanda kaya nga siya idineklarang persona non grata sa Eastern Visayas ng grupong People Surge Alliance.

Maraming atraso si Ping sa taongbayan at nakapagtataka kung paano niya nasisikmura ang kanyang mga kapalpakan, at ngayon naman ay meron pa itong lakas ng loob na tumakbo sa darating na halalan.

At kung tutuusin, hindi naman talaga oposisyon si Ping. Postura lang niya ito bilang senador at masasabing kalkulado ang kanyang ginagawang mga banat kay Digong at kaylan man hindi ito nagtuloy-tuloy na laban at sa kalaunan ay umaatras din.

Kaya nga, parang lumalabas na DPA itong si Ping.  Ibig sabihin, pakawala ni Digong at kung makalulusot sa eleksiyon ay tiyak na patuloy na maghahari ang impluwensiya ng pangulo.

Pero marami ang nagsasabing ilusyon lang ni Ping ang manalo sa darating na eleksi­yon. Wala siyang maaasahang boto sa mamamayan dahil lumalabas na balimbing at walang totoong paninindigang harapin at labanan si Digong.

At lalu pang pinagulo ni Ping ang kanyang kandidatura nang kunin nito bilang vice presidential runningmate si Senate President Tito Sotto. Hindi ba’t ang dami rin kontrobersiya nitong si Tito Sen at nakapagtatakang isang iskul-bukol pa ang kanyang kinuhang ka-tandem.

Walang patol talaga itong si Ping, para rin bola ng pingpong, pabalik-balik lang at walang direksiyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …