INARESTO ng pulisya ang isang matandang lalaking malaon nang pinaghahanap ng batas dahil sa sapin-saping mga kaso ng estafa na kinahaharap sa korte sa lalawigan ng Bulacan.
Nagresulta sa pagkakakadakip ng suspek sa Brgy. Poblacion, bayan ng San Ildefonso, sa nabanggit na lalawigan, ang magkasamang manhunt operation ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS) at mga miyembro ng 2nd at 3rd Maneuver Platoon (MP), 2nd PMFC, nitong Sabado ng umaga, 7 Agosto.
Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang naarestong suspek na si Dary Nuñez, 51 anyos, residente sa Brgy. Bulusukan, San Ildefonso, nahaharap sa 19 mga kaso ng Swindling o Syndicated Estafa ng RPC Art. 315 na inamyendahan ng PD 1689.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng San Ildefonso MPS ang suspek ay para sa kaukulang disposisyon.
(MICKA BAUTISTA)